Sunday
Aug 01st
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Emily's Corner Ikalawang langit hanap ng biyudang ina

Ikalawang langit hanap ng biyudang ina

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

DEAR Emily,

Ayaw sana naming mag-asawang muli ang nanay namin nang namatay ang tatay 12 taon na ang nakalilipas. Pero pumayag na rin kami dahil lahat kaming anak niya ay may pamilya na at lagi na lang siyang nag-iisa sa bahay.

Ang napangasawa  niya ay kasing edad din niya, biyudo at retired na. May konting negosyo si nanay kaya hindi na namin siya pino-problema sa pamemera. Minsan, nadulas ang dila niya nang medyo nagreklamong makunat daw sa pera ang asawa niya. Maski na raw sigarilyo, sa kanya pa hinihingi.

Naisip naming magkakapatid na siguro, baka ang ipinasok lang ng bago niyang asawa sa kanilang samahan ay ang tiyan niyang parang tambol. Naaawa kami kay nanay dahil hindi siya sinwerte na nakita ang ikalawang langit niya sa lalaking ito.

Nol

BAKIT hindi mo kaibiganin itong asawa ng nanay mo para kung may problema man siya sa pera, madali mo siyang matutulungan at siya naman, pwedeng kang takbuhan kung kinakailangan.

Kung hindi naman siya katandaan, baka may mahanap siyang trabaho pa sa tulong mo o kung sino man. 

Mahirap sumakit ang ulo ng dahil sa pera. Nakaka-high blood ’yon at pwede pang pagsimulan ng away sa pamilya.

Sa una, mabuti na rin ’yong may kasama ang nanay mo sa pagtanda niya. Pero sa ikalawa naman, hindi dapat na itong naituring na kasama niya ang magpadaling magpatanda sa kanya! 

Ngayong ikaw ang mukhang nagmamalasakit sa ina mo, nararapat lang na ikaw na rin ang magplantsa sa mga kumukulot na samahan sa inyong pamilya.

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Ikalawang langit hanap ng biyudang ina
Sunday, 07 March 2010
DEAR Emily, Ayaw sana naming mag-asawang muli ang nanay namin nang namatay ang tatay 12 taon na ang nakalilipas. Pero pumayag na rin kami dahil...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock