Dear Emily,
Nang mag-asawa ang girlfriend ko ng iba, akala ko ay katapusan na ito ng relasyon namin. Kaibigan ko siyang matalik nang magkahiwalay kami.
Nang mag-asawa ang girlfriend ko ng iba, akala ko ay katapusan na ito ng relasyon namin. Kaibigan ko siyang matalik nang magkahiwalay kami.
Nagpunta siya sa probinsiya at ako naman ay nanatili lang sa Maynila. Hindi ako nakapagpahayag sa kanya ng niloloob ko dahil talagang parang magkapatid ang turing namin sa isa't isa.
Hindi pa uso no’n ang cell phone kaya pasulat-sulat lang kami kung kailangang mambati ng birthday o pasko. Nang bigla siyang sumulat para sabihing mag-aasawa siya, nalungkot akong masyado at sinabi ko sa isang kaibigan namin na huwag muna siyang magpakasal dahil gusto kong mag-usap muna kami.
Gustong kong malaman niyang ako ang dapat niyang pakasalan dahil matagal na akong umiibig sa kanya. Hindi ring siya napigil.
Pagkatapos ng tatlong taon, nagkita kami at doon namin nalamang napilitan lang siyang mag-asawa dahil hindi siya nagkalakas loob sabihing mahal din niya ako. Hindi naman daw niya minahal ang asawa niya maski nagka-anak na sila.
Ang nangyari, inumpisahang kong pumunta sa probinsiya niya at nagka-relasyon kami. Hindi naman ako madalas bumisita sa kanya pero sapat na ito para magkahiwalay sila ng asawa niya.
Nagtagal ito ng ilang taon at dahil sa magkalayo kami at nag-iba na ang hangin ng utak ko, na in-love na rin ako sa isang mas malapit sa akin lagi. Ka-opisina ko ito at dahil magkasama kami halos araw-araw, nandoon siya ’pag kailangan ko siya.
Ang problema ko ay dumating bigla dito sa Maynila ang una kong girlfriend at hindi niya alam na meron na rin akong ibang girlfriend. Noong unang linggo, pwede pa kaming magkita araw-araw nito. Pero ngayong tumatagal, nakahalata na ang bago kong girlfriend na kakaiba na ang timpla ng aming relasyon.
Ayokong sumama ang kanilang loob sa ginagawa ko. Isang buwang magbabakasyon dito ang una kong girlfriend pero parang sasabog na ang aking utak sa nangyayaring ito.
Tuliro
Nakakaloko ba ang buhay ngayon? Kung noong una pa lang a ipinagtapat mo na ang nasa loobin mo sa una mong girlfriend, hindi na sana naging magulo ang buhay ninyong lahat.
Pero iuntog mo man ang ulo mo sa pader, hinding-hindi na mababago ang naging takbo ng kapalaran. Sino ba talaga ang mas matimbang sa puso at utak mo ngayon? Ikaw lang ang makapagsasabi niyan kaya pag-isipan mo ito nang mabuti.
Ang nangyayari sa iyo ay para kang tinubuan ng cancer. Mabuti pang ipatanggal mo na ang sakit na ito upang matapos na ang panghihirap mo, at para malaman mo kung mamatay ka na or may pag-asa ka pang mabuhay.
Minsan mas mabuti pang maging malupit ka upang tapos na agad ang kwento, kaysa pinatatagal mo pa ang pagdudusa ng isa sa kanila na wala naman palang patutunguhan. Kailangang magpasya ka ng agad-agad.
Hindi ka patatahimikin ng problema mo kung hindi ka kikilos ngayon din. Maloloko ka nga nang husto.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Kapwa kinakaliwa ang kani-kanilang karelasyon
Tuesday, 22 November 2011
Dear Emily, Nang mag-asawa ang girlfriend ko ng iba, akala ko ay katapusan na ito ng relasyon namin. Kaibigan ko siyang matalik nang magkahiwalay...
Tuesday, 22 November 2011
Dear Emily, Nang mag-asawa ang girlfriend ko ng iba, akala ko ay katapusan na ito ng relasyon namin. Kaibigan ko siyang matalik nang magkahiwalay...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






