Wednesday
May 23rd
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Emily's Corner Anak ng bus driver nabuntis ng tricycle driver

Anak ng bus driver nabuntis ng tricycle driver

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
DEAR Emily,
Bagong taon na naman, pero parang ayaw nang umusad ang buhay namin.

Limang taon na akong iniwan ng aking asawa para sumama sa isang babaeng may asawa rin at apat na anak. Tatlo ang anak namin at tinalikuran na lang niya kami. Driver siya ng bus at naging pasahero niya itong babaeng ito.   Dahil sa ginawa niya, nagloko ang aming anak na babae nang 14 na taon lang siya, hanggang ito ay mabuntis ng isang tricyle driver. Walang natapos sa pag-aaral isa man sa mga anak namin kaya maski halos makuba ako, hindi ako tumitigil magtrabahao o maghanap ng pagkikitaan. Nandoong magmasahe ako, maglaba, mamasukang maglinis, magtinda ng gulay at kung anu-ano pa. Ang masakit, ’pag wala ako sa bahay namin sa squatter area, kinukuha pa ng asawa ko ang konti kong bigas o de latang nakatago. Wala na bang katapusan ang kahirapan?

Ely



MEDYO nakakaiyak nga at nakakagalit ang nangyayari sa buhay mo. Pero maski na kayo mahirap, hindi mo dapat pinayagang hindi makapag-aral ang mga anak mo. Sila na sana ang magiging puhunan mo!

Hindi pa naman huli ang lahat. Pilitin mong makapag-aral sila ng vocational school- gaya ng tailoring, cooking, auto mechanics, or computer repair.  Magtanong ka sa municipio kung saan ang pinakamalapit na Tesda o baka may mga training na ginagawa sa barangay ninyo.  Hindi pwedeng maghihinakit ka na lang sa langit.

Sinasabing ang kahirapan daw ay pagsubok lang.  Oo na nga.  Pero habang sinusubukan ka, tulungan mo na rin ang kapalaran at itulak mo ang mga anak mong matuto sila ng isang karunungang panghanapbuhay nila!

At pabayaan mo na ang asawa mong walang silbi. Kawawa siya pag ikot ng mundo mo. Baka siya naman ang iiyak.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Anak ng bus driver nabuntis ng tricycle driver
Tuesday, 03 January 2012
DEAR Emily, Bagong taon na naman, pero parang ayaw nang umusad ang buhay namin. Limang taon na akong iniwan ng aking asawa para sumama sa...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock