Wednesday
May 23rd
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Emily's Corner Nalulong na sa Internet

Nalulong na sa Internet

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
Dear  Emily,
Tatlong taon na kaming kasal ng asawa ko at may dalawa kaming anak. Pareho kaming 21 ang edad.  Nakatapos siya ng college at ako naman ay second year high school lang.  Sa isang opisina siya nagtatrabaho at ako naman ay sa bahay lang.

May anim na buwan na siyang nalululong sa Internet mula nnag makabili kami ng computer.  Pagdating niya sa bahay, nakaupo na siya sa harap nito at halos madaling araw na siya nakakatulog. Lalong grabe kung weekend dahil halos hindi na siya makausap. Wala naman akong hilig doon maliban sa mag-email dahil sa dami ng gawain sa bahay at likot ng mga bata.

Dahil doon, pati samahan naming mag-asawa ay lumalamig na. May palagay akong may kinalolokohan siya sa Facebook at ayaw niya itong iturong gamitin ko o kaya ipabasa ang kanyang account. Ang bata-bata pa namin ay pasira na ang samahan naming dalawa.
J.A.



TALAGANG nakakalokong malibang sa Internet. Sabi nga, iyan daw ngayon ang bagong addiction, bukod pa sa mga drugs! Kung may pagmamahal pang natitira ang asawa mo sa inyong pamilya niya, harapin mo siya nang matahimik at pag-usapan ninyong mabuti itong kinalolokohan niya na nagiging problema na.

Lalaki na lang ba ang mga anak ninyong kay liliit pa nang walang gabay ng kanilang ama, kung ito ay halos wala nang papel sa buhay nila?  Oo nga at kapiling ninyo siya bahay, pero para na lang sigurong poste or pinto siya nahindi ninyo nakakausap.  Ano bang klaseng buhay ’yan!  Mahiya naman siya, kung hindi siya naaawa sa mga batang ito. At ano ba ang napakahalaga sa Internet na hindi niya maiwan-iwanan?

Kailangang maimbestigahan mo at baka porn site ito o mga bagay na pinagkaka-addict niya na nakakasama ng kanyang pagkatao.  Maghanap ka ng kaibigang marunong sa computer.

Hindi masama ang gagawin mong ito. Sinasagip mo lang sa kapahamakan ang pamilya mo.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Nalulong na sa Internet
Tuesday, 17 January 2012
Dear  Emily, Tatlong taon na kaming kasal ng asawa ko at may dalawa kaming anak. Pareho kaming 21 ang edad.  Nakatapos siya ng college at ako...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock