Friday
Sep 10th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Emily's Corner

Emily's Corner

Closetang lesbiana napasubo

DEAR Emily,

Mapipilitan akong mag-asawa sa kapipilit ng pamilya ko dahil ako daw ay 42 years old na. Hindi ko masabi sa kanilang ako’y lesbian at ang best friend na kasama-sama ko ay talagang girlfriend ko.

Masyadong dudugo ang puso nila kung malaman nila ang tunay kong pagkatao. Pagbibigyan ko sila at pakakasalan ko ang isang lalaking nagtiyagang lumigaw kuno sa akin.

High School pa ay niligawan na niya ako. Hindi kami nag-boyfriend pero naging mabuting magkaibigan kami. Ang alam lang niya ay wala akong planong mag-asawa, old maid kung baga.  Wala siyang hinala tungkol sa girlfriend ko.

Nang ikwento ko sa kanya ang nais ng pamilya ko, siya mismo ang nagpilit na pakasalan ako. Matututuhan ko rin daw siyang ibigin bilang asawa at mabuting sabay kaming tumanda. Pumayag ako at sa ngayon ipinaplano na ang kasal namin.

Alam kong hindi maganda itong pagkukunwari ko. Pero, kinakailangan itong gawin dahil masyado pa ring sarado ang mga utak sa probinsiya.

J.N.

KUNG kaibigan mo itong lalaking ito at may malasakit ka sa kanya, mabuting ipagtapat mo ang pagka-lesbian mo bago kayo magpakasal.  Maski na mahaba na ang pinagsamahan ninyo bilang mag-kaibigan, kailangang malaman niya ang pagkatao mo dahil magsasama kayo sa isang bahay.  O kaya, ipagtapat mo na sa pamilya mo ang katutuhanan tungkol sa iyo.  Maski sarado ang utak nila sa probinsiya, maiintindihan nila ang makabagong pamumuhay ngayon ng mga tao, kasama ka na rito.

May kasabihang “ang nagsasabi daw ng tapat, ay nagsasama ng maluwat.” Bukod duon,  magkakaroon ka ng dangal at lalakas ng loob kapag nagsabi ka ng totoo.

 

 
Page 5 of 37



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock