Friday
Sep 10th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Emily's Corner

Emily's Corner

Nakadidiring pagpapanggap


DEAR Emily,

Nagsabi na ang boyfriend kong gusto niya akong pakasalan. Mayaman sila sa kanilang probinsiya at nadala na niya ako doon. Ang problema ko ay ang aking ina. Sinabi ko sa boyfriend ko na OFW siya at caretaker sa Middle East kaya ako nakatira sa boarding house. Hindi ko maipagtapat sa kanya na ang nanay ko ay live-in na labandera sa isang mayamang pamilya sa Makati. Napagtapos niya ako ng college at dahil nag-aral akong mabuti at nagka-honors at dahil dito, nakakita ako ng magandang trabaho. Nahihiya ako sa aking ginawa pero nasanay na akong magsinungaling ng ganito. Baka iwanan ako ng boyfriend ko o kaya pagtawanan ng kanyang pamilya dahil sa ginawa ko.
S.P.


TUNAY na nakakahiya ang ginawa mo sa nanay mo. Hindi kasalanang maging mahirap.  Pero kailangang baguhin mo na ang iyong pag-iisip at magpakatotoo ka!

Kailangang mangumpisal ka sa boyfriend mo bago pa kayo magpakasal. Kung ikaw ay iiwanan niya dahil alila lang ang nanay mo, mabuting nakilala mo na ang tunay niyang ugali ngayon pa lang.

Kung pagtatawanan ang inyong kahirapan ng kanyang pamilya, mabuti na ring hindi ka mahaluan ng masamang dugo. Pero ang lahat ng ito ay dapat isisi sa iyo at ang hindi paghambalos sa iyo ng nanay mo ng bata ka pa!

Walang nakakahiya sa pagiging mahirap. Ang mga nagpapanggap ang nakakadiri.
 
Page 10 of 37



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock