Sunday
Mar 14th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Featured Articles Gusto nang paaminin ang anak na bading

Gusto nang paaminin ang anak na bading

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

DEAR Emily,

May anak akong binata na 29 years old, college graduate, at may magandang trabaho. Ang problema ko ito— alam kong bakla siya at hirap na hirap niya itong itago.  Kung anu-anong drama ang ginagawa niya para hindi siya mahalata. 

Magdadala siya ng “girlfriend” sa bahay kunwari, o lalabas siya ng “date” niya kung weekend.  Kasalanan ko rin sigurong itago niya ito dahil nag-iisa siyang lalaki sa pamilya ng asawa ko at nakapatong sa kanyang konsensiya na hindi mamatay ang apelyido nila.

Hindi siya halatang bakla dahil lalaking-lalaki ang bikas niya. Pero alam ko ang totoo. Puro lalaki ang mga kaibigan niya at ang mga tumatawag sa kanya. Ayokong mapahiya siya kung haharapin ko at sabihin diretso sa kanya na alam ko at naiintindihan ko ang tunay niyang damdamin.

Rose


May kasabihang, “ibigay ang hilig nang huwag maligalig.”   Kung wala namang napipinsala sa drama ng anak mong binata, mabuti pang hayaan mo siya. Lalabas at lalabas din ang katutuhanan.

Tungkol naman sa pagkamatay ng apelyido ng asawa mo kung hindi siya magkaanak, kailangan itong tanggapin ng pamilya ninyo. 

Bakit anak mo ang dapat magdusa? Hindi naman niya hiningi na siya lang ang maging lalaki sa pamilya. Unti-unti mong palapitin ang puso ng anak mo sa iyo upang tratuhin ka niyang isang kaibigang pwedeng sabihan ng kanyang sama ng loob, at hindi lang bilang magulang.

Pasasaan ba iyan at lalabas din ang tunay niyang loobin. Ang mahalaga ay masaya siya sa buhay na tinatahak niya.

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Gusto nang paaminin ang anak na bading
Monday, 22 June 2009
DEAR Emily, May anak akong binata na 29 years old, college graduate, at may magandang trabaho. Ang problema ko ito— alam kong bakla siya at hirap...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock