Friday
Apr 18th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Featured Articles Karapatan ng anak sa iba

Karapatan ng anak sa iba

(3 votes, average: 2.33 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
DEAR Emily,

Dalawampung taon na kaming nagsasama ng boyfriend ko at meron kaming dalawang anak, ang panganay ay 22 at ang bunso ay 18.

May asawa siya noong una kaming magkakilala at matanda sa kanya ito nang 10 taon.  Wala silang anak. Nang nabuntis ako, humiwalay na siya dito. Hindi na rin sila nagkaroon ng anumang kontak mula noon.

Masaya kaming magpamilya at ulirang ama siya sa aming mga anak. Ang problema ko ay kung ano ang mga karapatan ng dalawa kong anak sa makukuhang benefits ng ama nila kung may mangyari dito. Hindi bale ako dahil may sarili akong negosyo.

Cel



HINDI pababayaan ng batas ang mga anak maski sa labas ng kasal. Mabuti pang kumonsulta ka sa Public Attorney's Office (PAO) sa inyong munisipyo upang mapayuhan ka ng maayos. 

Kailangang ngayon pa lang ay ayusin mo na ang mga dokumento tungkol sa mga pag-aari ng boyfriend mo kasama na rito ang mga insurance niya, habang siya ay malakas at buhay pa. 

Maraming mga relasyong napuputol o nawawala nang ’di inaasahan. Walang dadamay sa inyo ’pag huli na ang lahat. Ang mga dudumog sa kanyang labi ay ang mga iniwanan niya na kukunin ang pwede nilang kunin sa mata ng batas.

Huwag mong ipagpabaya o ipagpaliban ang pag-asikaso dito. Kumilos ka na ngayon pa lang alang-alang sa mga anak mo.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Karapatan ng anak sa iba
Monday, 06 July 2009
DEAR Emily, Dalawampung taon na kaming nagsasama ng boyfriend ko at meron kaming dalawang anak, ang panganay ay 22 at ang bunso ay 18. May asawa...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock