Lord, may hinaharap na mabigat na pagsubok sa pamilya partikular sa kanyang ama ang aking kaibigan. Bagama’t ayaw n’ya itong ipagtapat hindi n’ya ito maitago sa kanyang mga kilos. O Diyos, sana ay malampasan n’ya ito. Bumalik na sana ang sigla ng kanyang personlidad. Amen. (Brian Ben Coronel)

Home
Weather Model
Kapalaran
Promo
Daily Prayer



Note: I-click and pahina sa itaas upang mabasa ang isyu ngayon.
 

Kinabayo Festival sa Dapitan

IKALAWANG araw ngayon ng Kinabayo Festival ng Dapitan City. Ang makulay na pagdiriwang ay nakasentro sa re-enactment ng Spanish-Moorish wars, lalo na ang Battle of Covadonga. Selebrasyon din ito para sa mahal na patron ng Dapitan na si St. James, na sinasabing siyang nagpanalo sa mga Kastila sa pamumuno ni Gen. Pelagio laban sa mga Moro noong Battle ng Covadonga. Last day na ngayon, pwede pang humabol!Source: Department of Tourism website

     Friday, July 25, 2008
 


MAG-INGAT SA PEKE

NAKARATING sa Inquirer Libre ang ulat na isang JAY-JAY (o “JJ”) ESPIRITU ang dumadalo sa mga pagtitipong pang-midya at sinasabing nagsusulat siya para sa Inquirer Libre.

Nais po naming linawin na walang manunulat o kawani ng Inquirer Libre na may ganoong pangalan, kahit mula pa noong magsimulang ilatahala ang pahayagan noong 2001. Si Cathy Yamsuan lang ang tanging reporter ng Inquirer Libre.

Contributing film critic naman ng pahayagan si Vives Anunciacion. Nasa staff box (tignan sa Page 2 ng Inquirer Libre) ang pangalan ng iba pang kasapi ng editorial staff ng Inquirer Libre. May contributors at trainees na pinapupunta ng Inquirer Libre sa ilang mga kaganapan. Ngunit tinatawagan muna namin ang mga kinauukulan upang ibigay ang pangalan ng dadalo.

Kung may pagdududa kayo sa sinumang lalapit sa inyo at magpapakilalang nagtatrabaho sila para sa Inquirer Libre, huwag mag-atubiling ipagbigay alam ito sa amin. Tumawag sa 897-8808 loc. 359 o 353. Maaari rin kayong magpadala ng e-mail sa address na libre_pdi@inquirer.com.ph

 

Developed and Maintained by PDI Web Team - For comments/suggestions email the Webmaster
Best viewed in 1024 x 768 resolution / IE 4 or higher & NS 6 & Higher
This site requires Flash Player and Adobe Acrobat Reader.