Kayang harapin ng pamahalaan ang banta ng dengue kahit pa umabot na sa 60,000 ang mga tinatamaan ng sakit sa huling walong buwan at sa kabila ng pangamba na aabot pa ang bilang sa 80,000 bago matapos ang taon, sinabi ng mga opisyal pangkalusugan.
Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na ang Department of Health (DOH) ay “on top” sa sitwasyon at walang epidemya ng dengue sa bansa.
“We would like to reassure you that, yes, we are at the peak, or going down the peak of the incidence of dengue. We are on top of it and the administration and the DOH are fully aware of what’s going on, and we will extend all the help needed,” aniya.
Ani Ona, tinalakay na nila ni Pangulong Aquino ang tungkol sa sakit at tiniyak ng presidente na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng kapangyarihan nito laban sa dengue na pumatay na ng 465 Pilipino.
Sinabi ng kalihim ng kalusugan na ang problema ay “manageable in the sense that we are able to identify all the areas where it is rampant.”
Nasabihan na rin ang mga lokal na opisyal kung paano haharapin ang problema.





News & Events
