Mananatili ang Morong 43 sa kamay ng militar batay sa isang patakaran na binuo noong panahon ng batas militar, ayon sa pasya ng Court of Appeals.
Ibinasura ng korte ang petisyon para sa isang writ of habeas corpus na isinampa ng 43 umano’y health worker na dinakip sa Morong, Rizal, nitong Pebrero. Ayon sa militar, sila ay mga rebeldeng komunista.
Sinabi ng special division ng appellate court na hindi na makukwestyon ng hukuman ang pagkakakulong ng mga umaapela dahil nakasampa na sa korte ng kasong kriminal laban sa kanila, kahit pa may hindi tama sa pagdakip.
Bumoto ang mga huwes ng 3-2 batay sa kaso ng Ilagan vs Enrile.
Sinabi ng korte, “Once a person detained is duly charged in court, he may no longer question his detention through a petition for issuance of a writ of habeas corpus.” Ang desisyon ay sinulat ni Senior Associate Justice Portia Alino-Hormachuelos.
Nananatiling nakakulong sa headquarters ng 2nd Division ng Army ang 43 mula nang hulihin sila noong Peb. 6.
“We are saddened by the denial of the privilege of habeas corpus. It means our clients will continue to be deprived of personal liberty,” sabi ni Jules Matibag, abogado ng isa sa dinakip.
Idinagdag ni Matibag na mas may pag-asa sila sa Korte Suprema.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Wednesday, 10 March 2010
Mananatili ang Morong 43 sa kamay ng militar batay sa isang patakaran na binuo noong panahon ng batas militar, ayon sa pasya ng Court of Appeals....





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio

