Sinabi kahapon ng Commission on Elections na babalik ito sa tradisyunal na manu-manong balota para sa halalang pambarangay at Sangguniang Kabataaan (SK) sa Okt. 25.
Sa halip na balotang may imprenta ng pangalan ng mga kandidato at iitiman ang oval sa tabi ng pangalan, mamamahagi ang Comelec ng tradisyunal na balota kung saan may mga patlang na susulatan ng pangalan ng kandidatong napili.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, binalak ng komisyon na gumamit ng balotang may nakalimbag na pangalan ng mga kandidato tulad ng ginamit noong Mayo 10, ngunit kulang na ang panahon para sa naturang uri ng balota.
Ayon sa resolusyong pinasa ng Comelec noong Martes, maaring makapagpatala mula Okt. 1 hanggang 13 ang mga nagnanais tumakbo sa halalang pambarangay at SK.
Maihahain ng mga kandidato ang certificates of candidacy nila sa kalihim ng Sangguniang Barangay.
Makapangangampanya sila Okt. 14 hanggang 23.
Set. 25 hanggang Nob. 10 ang panahon ng halalan kung kailan bawal ang pagbibitbit ng nakamamatay na sandata, paggamit ng bodyguard ng mga kandidato, pagpapanatili sa private army, suspensyon sa mga opisyal ng pamahalaan, paglilipat sa mga kawaning pampubliko, at iba pa.
Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ang halalan sa Okt. 25.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :

Ihanda ang inyong kamay; Balik sa manu-manong bilangan sa botohan ng barangay at SK sa Oktubre 25
Thursday, 02 September 2010
Sinabi kahapon ng Commission on Elections na babalik ito sa tradisyunal na manu-manong balota para sa halalang pambarangay at Sangguniang Kabataaan...

Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio