Wednesday
May 23rd
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News & Events Current News Pagputol ng puno ng niyog binawal na sa Albay

Pagputol ng puno ng niyog binawal na sa Albay

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
Ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pagputol ng mga puno ng niyog sa Albay upang palakasin ang depensa ng lalawigan sa mga bagyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang pagbabawal ay bunsod ng hiling ni Gob. Joey Salceda.

Nagbabala na noon si Salceda na ang walang puknat na pagputol ng puno ng niyog ay maaring magresulta sa pagguho ng lupa at pagbaha sa mga mababang lugar sa probinsya.

Madalas daanan ng bagyo at ng malalakas na ulan ang Albay na nakaharap sa Dagat Pasipiko.

Matapos kausapin ang mga lokal na opisyal ay inutusan ni Alcala si Philippine Coconut Authority Administrator Euclides Forbes at ang regional director ng ahensya sa Bicol na si Eduardo Allorde na tigilan na ang pagbibigay ng permit sa pagputol ng puno simula Enero 30.

Isa ang Albay sa mga probinsiyang nangunguna sa produksyon ng niyog. Kasama rin ito sa 12 lalawigan na uunahing bigyan mula sa bilyun-bilyong-pisong coco levy funds sa oras na iutos ng Korte Suprema ang paglalabas dito.

Sinabihan din ng mga lokal na opisyal si Alcala na ipatigil ang malawakang iligal na pangingisda at pagpasok ng mga malalaking mangingisda sa mga karagatang sakop ng Albay, partikular sa Burias Pass, dahil naaagawan nito ng kabuhayan ang maliliit na mamamalakaya.

Ani Alcala, inutusan na niya ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para tugisin ang malalaking mangingisda.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Pagputol ng puno ng niyog binawal na sa Albay
Monday, 30 January 2012
Ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pagputol ng mga puno ng niyog sa Albay upang palakasin ang depensa ng lalawigan sa mga bagyo. ...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock