Nagpasya kahapon ang hukumang impeachment na ipakuha ang mga bank record ni Chief Justice Renato Corona mula 2005, kasama ang mga depositong dolyar, bagay na ayon sa mga taga-usig mula sa Kapulungan ng mga Kinatawan ay “crucial” upang mapatunayang nagsinungaling ang punong mahistrado sa mga statement of assets, liabilities and net worth (SALN) niya.
Sinabi ni Tranquil Salvador III, isang abogado ni Corona, na pinag-aaralan ng panig ng depensa kung paano ito mahaharang habang iginigiit na walang kinalaman ang mga deposito sa ikalawang reklamo laban sa mahistrado.
Sa pasya ng mayorya ng mga hukom-senador, sinabi nito na hindi saklaw ng Bank Secrecy Law ang kaso ni Corona dahil kaugnay ito sa impeachment.
Sakop ng pasya ng hukumang impeachment ang mga account ni Corona sa Bank of the Philippine Islands (BPI), Philippine Savings Bank (PSBank), at “other bank accounts, including time deposits, money market placements, peso/dollar accounts and the like.”
Inutusan ng hukuman ang mga opisyal ng mga bangko na dalhin ang mga dokumento sa Senado alas-2 ng hapon sa Peb. 8 upang magsalaysay kaugnay sa mga ito. ML Ubac, CD Balana, M Ramos
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Bank records ni CJ ok buksan
Tuesday, 07 February 2012
Nagpasya kahapon ang hukumang impeachment na ipakuha ang mga bank record ni Chief Justice Renato Corona mula 2005, kasama ang mga depositong dolyar,...
Tuesday, 07 February 2012
Nagpasya kahapon ang hukumang impeachment na ipakuha ang mga bank record ni Chief Justice Renato Corona mula 2005, kasama ang mga depositong dolyar,...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






