DUMAGUETE City—Hindi bababa sa 52 katao ang nasawi nang yumanig ang 6.9-magnitude na lindol sa Negros at Cebu bago magtanghali kahapon, na nagdulot ng pagdausdos ng lupa at malalaking bitak sa mga highway, at marahas na inalog ang mga gusali, anang mga opisyal.
Isang tatlong-palapag na gusali ang gumuho at pitong tulay ang hindi madaanan, anila.
Sa Guihulngan City sa Negros Oriental, hindi bababa sa 29 katao ang pinangangambahang nasawi kasunod ng pagdausdos ng lupa sa Barangay Planas, ani Mayor Ernesto Reyes. Maaaring may mga nasawi pa sa ibang mga barangay, dinagdag niya.
“They were buried in 30 feet of soil. If you had been buried from noon until now (6 p.m.), I don’t expect you to be alive,” ani Reyes, dinagdag na may 10 pang nasawi sa Guihulngan national road.
Ayon kay Gov. Roel Degamo, nasawi si Bernadette Raidan, 9, nang gumuho ang isang pader sa bayan ng Tayasan.
Nakapagtala ng 12 iba pang kataong nasawi ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, walo mula sa Guihulngan, tig-isa mula sa mga bayan ng Jimalalud at Bindoy, at dalawa mula sa Tayasan.
Tumama ang lindol 11:49 ng umaga 5 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Tayasan sa Negros Oriental, at tectonic ang pinagmulan. May lalim itong 10 km. Tinakda ng US Geological Survey sa 6.7 ang magnitude.
Sa Maynila, hinimok ng Malacañang ang mga apektadong tao na manatiling mapagmatyag at mahinahon, at makipagtulungan sa mga may kapangyarihan “while the threat of immediate dangers appears to have passed.”
Inutos ni Pangulong Aquino sa National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sukatin ang lawak ng pinsala at maghandog ng kinakailangang tulong, pahayag ng tagapagsalitang si Edwin Lacierda.
Nauna ring naglabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa baybayin ng Negros at Cebu. Ngunit kinansela ito dahil walang naiulat na kakaibang pagbabago sa antas ng tubig sa dagat makalipas ang dalawang oras.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
52 patay sa lindol sa Visayas
Tuesday, 07 February 2012
DUMAGUETE City—Hindi bababa sa 52 katao ang nasawi nang yumanig ang 6.9-magnitude na lindol sa Negros at Cebu bago magtanghali kahapon, na nagdulot...
Tuesday, 07 February 2012
DUMAGUETE City—Hindi bababa sa 52 katao ang nasawi nang yumanig ang 6.9-magnitude na lindol sa Negros at Cebu bago magtanghali kahapon, na nagdulot...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






