Sinabi kahapon ng pinuno ng mga abogado ni Chief Justice Renato Corona na kung hindi sila papayagang maghain ng motion for reconsideration (MR) ay maaari silang pumunta sa Korte Suprema upang pigilan ang pagtanggap ng hukumang impeachment sa mga dokumento ng mga deposito ng Punong Mahistrado.
Maghahain sana ng MR si dating justice Serafin Cuevas Lunes nang gabi matapos payagan ng Senado ang pag-subpoena sa mga dokumento ni Corona ngunit sinabi ni Sen. Francis Escudero na tanging mga hukom-senador lang ang puwedeng gumawa nito, batay sa Rule 6 ng hukumang impeachment.
Hindi na tinutulan ni Cuevas ang sinabi ni Escudero ngunit si Sen. Miriam Santiago naman ang sumulat kay Senate President Juan Ponce Enrile at naghain ng MR laban sa paglabas ng subpoena.
Ipinasu-subpoena ng mga taga-usig ang mga dokumento ng mga deposito ni Corona upang ipakita na hindi ito idineklara ng Punong Mahistrado sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth.
Ayon kay Santiago, tatlo ang dahilan upang bawiin ng Senado ang utos na nagpapatawag sa mga opisyal ng Philippine Savings Bank (PSBank) at sa Bank of the Philippine Islands sa Makati City upang dalhin ang mga dokumento ni Corona.
Aniya, ipinagbawal na ng hukumang impeachment ang anumang ebidensiya kaugnay sa umano’y nakaw na yaman. Labag din umano sa batas ang pagbubukas ng mga account sa bangko.
Idinagdag ni Santiago na “off tangent” o hindi angkop ang mga kaso na ginamit na ligal na batayan sa paglalabas ng mga subpoena.
Iginiit ng senadora na ang written consent ng may-ari “is the only exception” upang mabuksan ang isang account sa bangko.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Depensa baka tumakbo SC
Wednesday, 08 February 2012
Sinabi kahapon ng pinuno ng mga abogado ni Chief Justice Renato Corona na kung hindi sila papayagang maghain ng motion for reconsideration (MR) ay...
Wednesday, 08 February 2012
Sinabi kahapon ng pinuno ng mga abogado ni Chief Justice Renato Corona na kung hindi sila papayagang maghain ng motion for reconsideration (MR) ay...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






