Mas malawak sa Rizal Park ang lupain para sa housing project ng mga empleyado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa La Mesa watershed.
Ginawaran ang mga empleyado ng MWSS ng karapatan sa 58 ektarya sa 2,700-ektaryang watershed sa Quezon City. Habang may 53 ektarya lang ang sakop ng Rizal Park sa Maynila.
Ginawad ang lugar ng pabahay sa 1,411 empleyado ng National Waterworks and Sewerage Administration (Nawasa) noong 1968 sa ilalim ng isang collective bargaining agreement (CBA).
Sa pagpapa-raffle, ginawad ng Nawasa ang mga lupain sa mga kasapi ng dalawang unyon ng manggagawa nito-ang Kaisahan at Kapatiran ng mga Manggagawa sa Kawani sa Nawasa at Balara Employees and Laborers Association.
Naunang nagtakda ng lupain malapit sa La Mesa, ngunit kapagdaka ay pumili ng “new site” sa loob ng watershed.
Noong 2006, tinutulan ng Bantay Kalikasan ng ABS-CBN Foundation Inc. ang proyekto, sinabing maaring dumumi ang La Mesa reservoir dahil sa mga bahay. Source: Inquirer Archives





