LIBU-LIBONG manggagawang Pilipino ang maaaring magkatrabaho sa pagtatayo ng bagong base-militar sa Guam, ayon sa gobernador ng teritoryo ng Estados Unidos.
May trabaho rin sa Japan, kung saan kailangan ang mga Pilipinong health workers, enhinyero, information technology experts at ibang mga propesyunal, ayon sa isang opisyal ng Japan International Cooperation Agency (Jica).
Kukuha ang Guam ng 10,000 hanggang 15,000 para sa pagtatayo ng base-militar at paglilipat ng 8,000 Marines at pamilya nila mula Okinawa sa darating na mga taon, ani Gov. Felix Camacho nang dumalaw ito sa Maynila noong Martes.
“It is not exclusive but the likelihood is that most will be from the Philippines,” ani Camacho. Walang kukuhaning manggagawang Tsino dahil sa alalahanin sa seguridad, aniya.
Nakasaad sa 2010 National Defense Authorization Act na hindi hihigit sa 30 porsyento ng mga proyekto sa Guam ang ipagagawa sa mga banyagang manggagawa. Itatakda rin ang minimum na bayad doon sa katulad na antas sa Hawaii, ani US Rep. Neil Abercrombie mula sa Hawaii.
Aabot sa $15 bilyon ang gagastusin sa Guam. Aakuin ng Japan ang $6 bilyon.
Samantala, maaari nang magtrabaho sa Japan ang mga Pilipinong enhinyero, information technology experts at ibang mga propesyunal dahil sa bisa ng Japan Economic Partnership Agreement (Jpepa), ani Togo Hiroshi, principal Jica senior representative to the Philippines. “[Jobs for] caregivers and nurses are just the tip of the iceberg,” aniya kahapon.
Naipahatid na rin ang mensaheng ito kay Pangulong Macapagal-Arroyo sa huling pagdalaw nito sa Japan.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 02 July 2009
LIBU-LIBONG manggagawang Pilipino ang maaaring magkatrabaho sa pagtatayo ng bagong base-militar sa Guam, ayon sa gobernador ng teritoryo ng Estados...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
