AYAW nang dumaan muli sa chemotherapy ni dating Pangulong Corazon Aquino na nananatili sa malubhang kalagayan sa kabila nang paglabas sa kanya sa intensive care unit ng Makati Medical Center, ayon sa tagapagsalitang si Deedee Siytangco.
“Her whole family is with her now. She’s in serious condition but we’re hoping for the best,” sinabi ni Siytangco sa isang panayam sa telebisyon kagabi.
Aniya, isa’t kalahating linggo nang nasa ospital si Aquino, na nakikipaglaban sa sakit na kanser sa kolon, dahil hindi ito makakain.
Nakiusap ang bunsong anak ng dating pangulo na si Kris na hindi muna ito magsasalita kaugnay sa kalagayan ng ina.
Sinabi ni Boy Abunda, manager at kaibigan ni Kris, na hindi mapatahan ang aktres at TV host. “Iyak siya nang iyak,” ani Abunda. “She asked the people to allow her this time for herself.”
Kahapon nang tanghali, sa una sa siyam na Misa para sa paggaling ni Aquino, sinabi ni Siytangco na nakapagsasalita at nakapagdarasal si “Tita Cory” pero siya ay “not well.”
“She needs all your prayers,” sabi ni Siytangco sa mga dumalo sa Misa para sa 76-taong-gulang na Aquino sa Sto. Niño de Paz chapel sa Greenbelt 5 sa Makati City.
Sa Negros Occidental, nanawagan si Bacolod Bishop Vicente Navarra at si Kabankalan Bishop Patricio Buzon ng panalangin para kay Aquino.
Nagpasalamat si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa lahat ng nagdarasal para kanyang ina.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 02 July 2009
AYAW nang dumaan muli sa chemotherapy ni dating Pangulong Corazon Aquino na nananatili sa malubhang kalagayan sa kabila nang paglabas sa kanya sa...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
