HALOS dumoble ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) sa bansa nitong huling linggo, mula sa 861 na inulat ng Department of Health noong Biyernes sa 1,709 kasong naitala hanggang kahapon.
Paliwanag naman ni Health Undersecretary Mario Villaverde, tuluyan nang gumaling ang 1,485 sa kabuuang bilang ng mga kaso mula noong unang linggo ng Mayo hanggang Hunyo 27.
Pinakatinamaan ang Metro Manila na may 1,225 kaso. Sinundan ito ng Southern Tagalog (251) at Central Luzon (117).
Cagayan Valley at Autonomous Region of Muslim Mindanao ang tanging mga rehiyon sa bansa na walang kaso ng A(H1N1).
“I cannot say if we have peaked but I think the cases will still increase,” ani Villaverde sa isang press conference kahapon. “We have to prepare for a surge in mild cases,” aniya.
Pinapayuhan ang makara-ranas ng mga sintomas na manatili sa bahay at lunasan ang mga sintomas.
Agad namang dapat magpasuri ang magkakasintomas na mga buntis, sanggol, matatanda, may asthma, diabetes, cardiovascular disease o HIV.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 02 July 2009
HALOS dumoble ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) sa bansa nitong huling linggo, mula sa 861 na inulat ng Department of Health noong...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
