BUMIGAY sa puwersa ng mga mambabatas, nakatakdang iutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapalawig ng haba ng buhay ng prepaid credits sa cell phone, sa gitna ng reklamo ng publiko sa “vanishing load.”
Inaasahang aaprubahan ng NTC ang mga alituntunin ngayong araw. Dito, aatasan ang telecommunications companies (telcos) na magpanatili ng talaan ng mga detalye ng tawag sa telepono ng prepaid users, at ibigay ito sa kanila nang libre kung hihingin.
Lumabas ang bagong patakaran ng NTC kasunod ng kontrobersyang bumagabag sa telcos dulot ng pambabatikos ng mga senador at mga tagapagbantay ng karapatan ng mamimili. Bunsod ito ng reklamo ni Sen. Juan Ponce Enrile sa nawawalang load sa cell phone niya.
Nagsampa ang nonprofit group na COUP (Cellphone Owners and Users of the Philippines) ng isang class suit sa NTC laban sa mga network operator para sa “anomalous” na paniningil na nauuwi sa tinatawag na “vanishing load.”
Sa ilalim ng bagong alituntunin ng NTC, tatagal ng tatlong araw ang load na P10 o mas mababa pa. Sa kasalukuyang patakaran ng Smart Communications at Globe Telecom, hanggang 24 oras lang ang buhay nito.
Tatagal ng 180 araw ang load na P600 hanggang P1,000. Katumbas ito ng 200-porsyentong pagtaas sa bisa ng load.
Tatagal rin ang buhay ng halaga ng load sa pagitan ng mga natukoy na presyo. “The higher the prepaid loads, the longer is the expiration or validity period,” ayon sa NTC.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :

Yehey! Inutos ng NTC sa mga telco, gawing triple buhay ng mga prepaid load
Friday, 03 July 2009
BUMIGAY sa puwersa ng mga mambabatas, nakatakdang iutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapalawig ng haba ng buhay ng prepaid...

Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio