NILABAS ng Philippine National Police (PNP) kahapon ang bago nitong sandata upang ligawan ang publiko at isulong ang pagsugpo sa krimen.
Lumabas ang 6’4” ang taas na si Officer BOH, minodelo sa tauhan sa pelikula na si Robocop. Sinunod ito sa programang Badge of Honor ng PNP, isang kampanya para sa propesyunalismo, disiplina at leadership sa pulisya.
Nilunsad ang programa sa maagang bahagi ng taong ito.
“You know how the image of our police officers is... So this is to regain the trust and confidence of the community,” ani Senior Supt. Gilbert Cruz ng PNP Police Community Relations Group, ang utak ng proyekto.
Taglay ang tsapang 00500, ang numero ni PNP chief Director General Jesus Verzosa, lumabas si Officer BOH sa Camp Crame Elementary School bago magtanghali kahapon. Naglabasan tuloy ang mga mag-aaral sa mga silid-aralan sa gitna ng pagtuturo.
May nahiya mang lumapit sa matikas na pulis, ilan naman ang humawak sa fiber glass costume ng tauhan. May nagpakuha rin ng larawan kasama ito, habang ang iba nagtatanong kung “totoo ba ’yan?”
Namahagi ito sa mga mag-aaral ng kendi at polyeto tungkol sa pagsugpo sa krimen at payo kung paano ito maiiwasan sa loob at labas ng paaralan.
Umikot si BOH sa Camp Crame, kung saan siya binigyan ng masusing sulyap dahil sa itsura nitong mala-cyborg. Sinaluduhan din ito ng mga kapwa opisyal.
Tumulak siya sa mga himpilan ng tren at mga mall sa Makati City sa hapon upang ituloy ang misyon.
Sinabi ni Cruz na lalabas sa lansangan si Officer BOH “for as long as he is needed” at dadalaw din sa mga lalawigan kung aanyayahan.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Tuesday, 07 July 2009
NILABAS ng Philippine National Police (PNP) kahapon ang bago nitong sandata upang ligawan ang publiko at isulong ang pagsugpo sa krimen. Lumabas ang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






