NAIS linawin ng Inquirer Libre na ipinagbibigay alam nito ang pangalan ng “Birthday Bati Blowout” winner sa pamunuan ng Dairy Queen, na siyang nagtatakda ng branch kung saan isasagawa ang pagdiriwang.
Batid din ng mga tauhan sa napiling branch ang pangalan ng winner, petsa at oras ng blowout.
Naglalabas ang Inquirer Libre ng babalang ito kasunod ang ulat na isa umanong “Maria Ruby Colada” ang tumungo sa Dairy Queen Ali Mall branch noong Okt. 7, bandang alas-6 ng gabi, at nagsasabing nanalo siya ng blowout doon.
Hindi nagpaloko ang naturang Dairy Queen branch sa babae, na bigla na lang umalis nang makipag-ugnayan ang sangay sa mga tanggapan ng Dairy Queen at ng Inquirer Libre.
Inulat na rin sa mga guwardiya ng Ali Mall ang naturang insidente.
Samantala, maliban sa mga nagwawagi ng Dairy Queen blowout linggu-linggo, nilalathala pa rin ng Inquirer Libre ang pangalan ng ibang nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Walang Maria Ruby Colada na kabilang sa mga binati nang libre.
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 15 October 2009
NAIS linawin ng Inquirer Libre na ipinagbibigay alam nito ang pangalan ng “Birthday Bati Blowout” winner sa pamunuan ng Dairy Queen, na siyang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






