Thursday
Sep 18th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News & Events Current News Bagyong Ramil ‘parang bala’

Bagyong Ramil ‘parang bala’

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

MAKARAANG humimpil sa isang bahagi ng Pacific Ocean, bumilis ang malakas na Bagyong “Ramil” kahapon at nakaamba na sa hilagang Luzon bitbit ang mabigat na pag-ulan katulad ng pagbuhos na naranasan ng bansa noong isang buwan, ayon sa weathermen.


Taglay ang hanging hanggang 195 kilometers per hour at pagbugsong 230 kph ng bagyong Category 4 na lumalakbay pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 17 kph, ayon sa bulletin na nilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas-4 ng hapon kahapon.

Humimpil si Ramil (international name: Lupit) sa Pasipiko may 1,000 km silangan ng Pilipinas. Ilang oras lang, lumakas ang bagyo at bumilis ang paglakbay palapit sa bansa.


“It’s like a bullet or a slingshot now that it is heading straight to northern Luzon,” ani Nathaniel Cruz, Pagasa deputy administrator.

Maaaring maging supertyphoon si Ramil, at magtaglay ng hanging hanggang 200 kph pagtama sa Cagayan sa Huwebes at tawirin ang hilagang Luzon sa loob ng anim na oras, aniya.

Pinaigting na ng militar at mga sibilyan ang paghahanda para sa pagdating ni Ramil.

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Bagyong Ramil ‘parang bala’
Tuesday, 20 October 2009
MAKARAANG humimpil sa isang bahagi ng Pacific Ocean, bumilis ang malakas na Bagyong “Ramil” kahapon at nakaamba na sa hilagang Luzon bitbit ang...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock