Bumagsak nang 26 porsyento ang bilang ng mga Pilipinong nars na kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) noong 2009, anang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kahapon.
Ang pagbaba ng bilang ay maaaring “a result of the US’ lingering economic stagnation, which has made it somewhat less attractive as a job market for Filipino nurses,” ani TUCP secretary-general Ernesto Herrera sa Inquirer.
May kabuuang 15,382 nars na Pilipino ang kumuha ng NCLEX sa unang pagkakataon mula Enero hanggang Disyembro ng 2009. Mababa ito ng 5,364 o 26 porsyento kumpara sa 20,746 na kumuha ng pagsusulit noong 2008, ani Herrera na nagbatay sa datos mula sa US National Council of State Boards of Nursing.
Kailangang pumasa sa NCLEX ang isang nars na hindi taga-US para siya makapagtrabaho sa bansang iyon.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Monday, 08 February 2010
Bumagsak nang 26 porsyento ang bilang ng mga Pilipinong nars na kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) noong 2009, anang Trade...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
