Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na maaaring nagtatago si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa isang malapit na bansang Asyano ngunit baka hindi agad na makikilala sa tulong ng bigote o wig.
“We have an idea [where] but we have to be very cautious about it,” sinabi sa Inquirer kahapon ni Ric Diaz, hepe ng NBI counterterrorism unit (CTU).
Hindi tinukoy ni Diaz ang bansa upang maiwasan umanong mabulilyaso ang pagtunton. Aniya, sinabi ng isang source na sa Asya lang ito at malapit lang sa Pilipinas.
Ayon kay Diaz, malabong nakabalik na o babalik pa sa Pilipinas si Lacson—na inisyuhan ng warrant para sa umano’y papel niya sa pamamaslang sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito. “It would be easy to recognize him” sa Pilipinas, paliwanag niya.
Sinabi ni Lacson noong Martes na umalis siya ng bansa upang protektahan ang sarili mula sa isang “evil conspiracy” laban sa kanya.
Giniit ni Diaz na kailangang makipag-ugnayan ng NBI sa Interpol para sa kumpirmasyon ng kinaroroonan ni Lacson at upang maaresto siya at nang maibalik sa bansa.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Monday, 08 February 2010
Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na maaaring nagtatago si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa isang malapit na bansang Asyano ngunit...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
