PCSO: Umiwas sa pila, tumaya ng maaga sa 6/49 ngayon
Pumila nang maaga upang hindi maipit sa mahabang hanay.
Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga mamamayan na tumaya nang maaga para sa draw ng 6/49 SuperLotto ngayong gabi na inaasahang aabot sa P165 milyon ang premyo.
Sinabi ni Dr. Larry Cedro, tagapagsalita ng PCSO, na walang nakahula sa nanalong kumbinasyon noong Linggo na 3-27-38-35-14-25. May jackpot iyon na P153 milyon.
Sa kabila nito, may 120,717 mananaya na nanalo ng P23 milyon matapos makakuha ng mula tatlo hanggang limang panalong numero.
Tatlong beses na ginagawa ang bola para sa 6/49 SuperLotto—Linggo, Martes at Huwebes—dahil sa kasikatan ng laro, ani Cedro.
“We expect more bettors to queue at lotto outlets so we advice our betting public to line up early so that their bets would make it before outlets close at 8 p.m.,” sabi niya.
Lumagpas ng P100 milyon ang jackpot sa 6/49 sa unang pagkakataon ngayong taon noong Enero 31.
“Our sales go up as the prize exceeds P100 million because the bettors are interested [in winning] the jackpot so this is good for our charity projects,” aniya.
Ang huling jackpot ng SuperLotto ay P111 milyon.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Monday, 08 February 2010
PCSO: Umiwas sa pila, tumaya ng maaga sa 6/49 ngayon Pumila nang maaga upang hindi maipit sa mahabang hanay. Pinaalalahanan kahapon ng...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
