TULUYAN nang inangkin ng pamahalaan ng Caloocan City ang Ever-Gotesco Grand Central Mall matapos mabigo ang may-ari nito na bayaran ang P722-milyon sa real property tax na utang nito sa lungsod.
Ipinasara ng pamahalaang lungsod ang mall pero sinabi ni Mayor Recom Echiverri na hindi paaalisin ang mga umuupa ng mga stall sa gusali.
Ang tanging pinalalayas ay ang mga dating may-ari ng mall. Inutusan na ng pamahalaang lungsod na kunin nito ang ano pa mang mga gamit at paninda nito na nasa gusali.
“The city will now be handling the business,” ani Echiverri.
Idinagdag ng alkalde na sa pamahalaang bayan na magre-renew ng kontrata ang mga umuupa sa stall.
Inangkin ng lungsod ang mall matapos ibigay ni Judge Oscar Barrientos Caloocan City Regional Trial Court Branch 126, ang hinihingi nitong writ of possession.
Ayon sa lungsod, hindi nakabayad ng P722-milyong buwis ang may-ari ng mall na Gotesco Investments Inc. simula 1986 hanggang 2006.
Noong 2007 ay hiningi na ng lungsod sa korte ang paglilipat ng pagma-may-ari ng mall sa pamahalaan.
Sinubukang isubasta ang mall pero walang bumili kaya nailit ng lokal na pamahalaan ang ari-arian.
Sinubukang kunin ng Inquirer ang panig ng mga tagapamahala ng mall pero sinabi nito na hindi pa sila handa na magbigay ng pahayag.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Ever-Gotesco sa Monumento sinara ng gobyerno ng Caloocan
Monday, 09 March 2009
TULUYAN nang inangkin ng pamahalaan ng Caloocan City ang Ever-Gotesco Grand Central Mall matapos mabigo ang may-ari nito na bayaran ang P722-milyon...
Monday, 09 March 2009
TULUYAN nang inangkin ng pamahalaan ng Caloocan City ang Ever-Gotesco Grand Central Mall matapos mabigo ang may-ari nito na bayaran ang P722-milyon...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






