Idineklara kahapon ng Korte Suprema na may “bad faith” sa ginawa ng tagapamahala sa sugar mill sa Hacienda Luisita na pagbawas sa 13th month pay ng mga manggagawa matapos ang marahas na strike noong 2004 kung saan 14 ang namatay.
Sa desisyon noong Hulyo 26 na sinangayunan ng lahat ng miyembro ng ikalawang dibisyon ng
korte ay inutusan ng hukuman ang Central Azucarera de Tarlac na kilalanin ang matagal nang umiiral na pagkwenta sa bonus.
Habang idinidiin na ang benepisyo na 30 taon nang ibinibigay ay binawasan lang matapos ang strike noong 2004, sinabi ng korte na “this act of petitioner in changing the formula at this time cannot be sanctioned as it indicates a badge of bad faith.”
Nakatakda ring desisyunan ng hukuman ang petisyon ng Hacienda Luisita para sa isang temporary restraining order laban sa kautusan ng Department of Agrarian Reform na nagsabi na dapat nang ipamahagi ang 5,000-ektaryang taniman ng tubo sa mga manggagawa.
Ang sugar mill ay pinatatakbo ng pinsan ni Pangulong Aquino na si Fernando Cojuangco bilang chief operating officer o COO. Si Cojuangco rin ang COO ng kumpanyang may kontrol sa Hacienda Luisita.
Sinabi ni Cojuangco sa New York Times na wala silang balak ipamigay ang hacienda.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Friday, 30 July 2010
Idineklara kahapon ng Korte Suprema na may “bad faith” sa ginawa ng tagapamahala sa sugar mill sa Hacienda Luisita na pagbawas sa 13th month pay...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






