ILALABAS sa piitan si “Morong 43” member Carina Judilyn Oliveros upang mapasuso niya ang isang-buwang-gulang na sanggol niya.
Nilagdaan ni Judge Gina Escoto ng Morong Regional Trial Court kahapon ang utos na nagpapahintulot kay Oliveros na maisailalim sa hospital arrest sa Philippine General Hospital nang tatlong buwan, ayon kay Geneve Rivera, pinuno ng Health Alliance for Democracy.
Isa si Oliveros sa 43 health worker na inaresto sa Morong sa kaagahan ng taong ito at pinaratangang mga komunista.
Binalik si Oliveros sa Camp Bagong Diwa noong isang linggo makaraang isilang ang panganay niya. Sinama niya sa selda ang sanggol upang mapasuso ito. LB Salaverria
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 26 August 2010
ILALABAS sa piitan si “Morong 43” member Carina Judilyn Oliveros upang mapasuso niya ang isang-buwang-gulang na sanggol niya. Nilagdaan ni...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






