ISANG eksperto sa nakahahawang sakit ang nagbabala laban sa mga gamot mula sa India, generic man o branded, sapagkat maaaring hindi ligtas ang pagkakahalo sa mga ito.
“Generic drugs are really cheap but we’ve been telling our patients to make sure that the generic drugs they’re taking are not from India because the add-ons or substances of these drugs are not stable,” ani Dr. Mario Panaligan, kalihim ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases, at isang consultant sa UERMMC.
Sa porum na “Fever: The Multi-faceted Ally and Foe,” sinabi ni Panaligan na hindi 100 porsyentong mabisa ang paracetamol, antibiotics at ibang gamot mula sa India kung ihahambing sa mga ginawa ng mga kumpanyang “innovator.”
May mahigit 100 kumpanyang generic sa India, aniya, dinagdag na wala ring katiyakang 100-porsyentong ligtas ang mga gamot na ginawa ng 10 nangungunang kumpanya doon.
Nang sabihang baka pagsimulan ng protesta mula sa India ang pahayag niya, sinabi ni Panaligan na kasapi siya ng therapeutic committee ng isang pagamutan at alam niya kung ano ang sinasabi niya.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 26 August 2010
ISANG eksperto sa nakahahawang sakit ang nagbabala laban sa mga gamot mula sa India, generic man o branded, sapagkat maaaring hindi ligtas ang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






