IPINAGPALIBANG muli ang pagdinig sa kasong kaugnay ng malagim na Maguindanao massacre.
Hinayag ni Quezon City Judge Jocelyn Solis sa pagtatapos ng isang oras na pagdinig na “partially grant[ed]” ang mosyon ng depensa na ipagpaliban ang pagdinig kay Andal Ampatuan Jr. at 195 kapwa akusado at ilipat ito sa Set. 8 hanggang 15.
“Bakit pumapabor ang judge sa mosyon ng defense na nagpapatagal sa trial? Parang pinapaboran niya ang may pera,” ani Catherine Nuñez, ina ng pinaslang na kawani ng UNTV na si Victor. “Hindi na ito tama. Siyam na buwan na kaming naghihintay.”
“[The defense lawyers] are obviously delaying the proceedings. It must not continue,” ani Justice Secretary Leila de Lima, na dumalo sa pagdinig sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Hindi bababa sa 57 taga-midya at sibilyan ang pinaslang noong Nob. 23 sa Ampatuan, Maguindanao. Tinuturo ang angkan ng Ampatuan bilang utak ng krimen.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 02 September 2010
IPINAGPALIBANG muli ang pagdinig sa kasong kaugnay ng malagim na Maguindanao massacre. Hinayag ni Quezon City Judge Jocelyn Solis sa pagtatapos ng...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






