Hangad ng pamahalaan na makatipid nang 35 porsyento kaya iniutos ni Pangulong Aquino sa mga opisina ng gobyerno ang pagbawas ng gastos sa pagbili ng gamit sa opisina, tiket sa eroplano at paggamit ng cellphone at Internet.
Iniutos ng Pangulo ang pagtitipid sa isang miting nitong Lunes para may magamit na pera sa imprastraktura at serbisyong panlipunan, sabi nina Budget Secretary Florencio Abad at presidential spokesperson Edwin Lacierda.
“One of the directives was to look into bulk purchases of airline tickets, hotel accommodations, telephone and Internet subscriptions,” sabi ni Abad.
Ani Abad, titingnan ni Transportation Secretary Mar Roxas ang pagbili nang bultuhan ng tiket sa eroplano habang si Trade Secretary Gregory Domingo ang bahala sa pag-upa sa telepono at Internet.
Ayon kay Abad, gustong malaman ng Pangulo “how to bring down the government’s overhead so we can put the savings in capital outlays.”
Maliban sa bultuhang pagbili ay gagamitin na rin ng pamahalaan ang procurement service nito dahil “on average, you save 35 percent if you buy from our procurement.”
“The total expenditure of government on common-use supplies like bond paper, pencils, ball pens, ink is about P19.5 billion. If all that P19.5 billion is bought from the procurement service, we multiply that by 35 percent and that’s over P6 billion,” ani Abad.
Gusto rin ng pamahalaan na magtipid sa pagbili ng mga programa sa mga kompyuter.
Sabi ni Abad, makakatipid nang P8 bilyon ang gobyerno sa loob ng tatlong taon kung ang gagamitin ay “open source technology” sa halip na bumili ng lisensyadong software.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Pnoy: Magtipid-tipid kayo; Inutos magbawas ng 35% gastos ng gobyerno sa suplay, biyahe at gamit ng telepono
Wednesday, 20 July 2011
Hangad ng pamahalaan na makatipid nang 35 porsyento kaya iniutos ni Pangulong Aquino sa mga opisina ng gobyerno ang pagbawas ng gastos sa pagbili ng...
Wednesday, 20 July 2011
Hangad ng pamahalaan na makatipid nang 35 porsyento kaya iniutos ni Pangulong Aquino sa mga opisina ng gobyerno ang pagbawas ng gastos sa pagbili ng...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






