HANDA nang magbalik sa pribadong buhay si Evangelina Lourdes “Luli” Arroyo-Bernas sa pagtatapos ng termino ng kanyang ina sa 2010.
Ipinagmamalaki niya ang mga nagawa ng nanay niyang si Pangulong Macapagal-Arroyo sa siyam na taon nito bilang pangulo.
Aniya, may “ups and downs” ang pamumuno ng kanyang ina pero idinagdag niya: “I think overall my mother did quite well, so we are proud of that.”
Sinabi pa niya, “We know that when she (the President) leaves office, she is leaving the Philippines in a better state than when she first got it.”
Pinayuhan niya ang mga nasa oposisyon na naniniwalang patuloy na kakapit sa kapangyarihan si Ms Arroyo na “just concentrate on their platforms.”
Nagtalumpati ang nag-iisang anak na babae ng Pangulo sa Ikalawang eSkwela Conference sa Lian, Batangas, kahapon.
Ito ang unang pagpapakita ni Luli sa publiko mula nang ikasal siya nitong Nob. 5, 2008, sa isang pribadong okasyon.
Natawa siya nang tanungin kaugnay sa kanyang buhay may asawa.
“Normal” iyon, aniya.
Isiniwalat niya na humihingi na ng apo ang kanyang ina. “But they let us (decide) on our own. If it comes, then that will be great.”
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Wednesday, 01 April 2009
HANDA nang magbalik sa pribadong buhay si Evangelina Lourdes “Luli” Arroyo-Bernas sa pagtatapos ng termino ng kanyang ina sa 2010....





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
