Maaasahan si Sen. Miriam Defensor-Santiago upang mapaarangkada ang usad-pagong na paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.
Sa gitna ng maingay na balitaktakan sa pagitan ng taga-usig at depensa kung maaaring magsalaysay si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares kaugnay sa mga income tax return (ITR) ni Corona at ng kanyang pamilya, tumayo ang senadora at pinagalitan ang pribadong taga-usig na si Arthur Lim.
“Please don’t treat me as a mere observer. I am a judge in this proceeding! In any trial court, ... you should not speak, you should not take any behavior at all unless with the consent of the presiding judge. Don’t drown me out by screaming in this courtroom! Only I can scream here ... [I] and my fellow judges!” aniya.
Si Lim ang naatasang magpresinta kay Henares bilang saksi ng prosekusyon sa ika-
anim na araw ng pagdinig ng hukumang impeachment.
Nanaig si Santiago sa unang oras sa tatlong-oras na pagdinig gamit ang mabilis ngunit malinaw niyang pagsasalita. Natahimik ang taga-usig at ang depensa sa pangununa ni Serafin Cuevas, ngunit natawa ang iba pang nasa session hall ng Senado.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
‘Ako lang sisigaw!’; Miriam Santiago: Kami lang ng kapwa ko judges ang pwede sumigaw sa loob ng impeachment court
Thursday, 26 January 2012
Maaasahan si Sen. Miriam Defensor-Santiago upang mapaarangkada ang usad-pagong na paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Sa gitna ng...
Thursday, 26 January 2012
Maaasahan si Sen. Miriam Defensor-Santiago upang mapaarangkada ang usad-pagong na paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Sa gitna ng...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






