Wednesday
May 23rd
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News & Events Current News Impeachment trial ni corona; Ari-arian, kinita ni Corona ’di tugma

Impeachment trial ni corona; Ari-arian, kinita ni Corona ’di tugma

(1 vote, average: 5.00 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
Sa taong binili umano ni Chief Justice Renato Corona ang 303.5-square-meter na penthouse ng nagkakahalang P14 milyon sa The Bellagio sa Taguig City, nagbayad siya ng withholding tax na P155,556.20 at kumita ng gross income ng P621,528.62 lang.

Lumabas ang impormasyong ito sa pag-uusisa ni Sen. Ralph Recto ng Liberal Party kay Kim Jacinto-Henares, komisyuner ng Bureau of Internal Revenue, hinggil sa pagbabayad ni Corona ng buwis sa gitna ng balitaktakan sa pagitan ng abogado ng depensa na si Serafin Cuevas at pribadong abogadong si Arthur Lim.

Sa pagtatanong kay Henares, nakuha ni Recto ang mga halaga sa mga tax deduction mula sa tinatawag na mga talaang “alpha” na hinahain ng mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong kumpanya na nagdedetalye sa mga income tax deduction ng mga kawani nila makaraang mabigo si Lim na makuha ang mga ito dahil sa pagtutol ng depensa na sinuportahan ni Senate President Juan Ponce Enrile, ang presiding officer.

Pinaliwanag ni Henares na sapagkat nakaulat sa talaang alpha ng hukuman ang sahod ni Corona, hindi na niya kailangang maghain ng mga income tax return (ITR) tulad ng ibang nagbabayad ng buwis.

Pinatawag si Henares upang magbigay ng sipi ng ITR. Ngunit wala nito si Corona kaya talaang alpha ang dinala niya.

Sa pag-uusisa ni Recto, sinabi ni Henares na noong 2006, umabot sa P109,706.60 ang withholding tax ni Corona sa kitang P465,597. Lumabas din na nagbayad si Corona ng P117,399.31 mula sa kitang P488,156.57 ng 2007; P154,057.75 mula sa kitang P604,388.46 ng 2008; P155,556.20 mula sa kitang P621,528.62 ng 2009 at P176,577.32 mula sa kitang P657,755.57 ng 2010. CC Yamsuan, CV Esguerra, TJ Burgonio
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Impeachment trial ni corona; Ari-arian, kinita ni Corona ’di tugma
Thursday, 26 January 2012
Sa taong binili umano ni Chief Justice Renato Corona ang 303.5-square-meter na penthouse ng nagkakahalang P14 milyon sa The Bellagio sa Taguig City,...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock