Sinabi kahapon ni presidential adviser Ronald Llamas na nag-sorry na siya kay Pangulong Aquino kaugnay sa pagbili niya ng mga piniratang DVD sa isang mall sa Quezon City kung saan nakunan siya ng litrato ng isang editor ng Inquirer.
Nagsalita si Llamas limang araw matapos ilabas ng Inquirer ang istorya at ang kanyang larawan. Aniya, nagpaliwanag siya sa Pangulo noong Biernes.
“He told me I had to undergo internal processes and investigation,” ani Llamas.
Nang tanungin kung humingi siya ng paumanhin sa Pangulo ay sinabi niyang “Oo.”
Hindi siya nagbigay ng detalye pero sinabi na maaaring ngayong Lunes ilabas ng Palasyo ang resulta ng imbestigasyon sa kanya.
Tinanong ng Inquirer si Llamas kung handa itong tanggapin ang anumang pasya ng Malacañang, sumagot siya ng “Yup.”
Nalagay sa init si Llamas nang lumabas sa Inquirer ang litrato niyang nakunan ni Dona Policar, associate editor ng Bandera na isang sister publication.
Nakita ni Policar si Llamas na bumibili ng P2,000 halaga ng piniratang DVD sa isang tindahan sa Circle C mall sa Congressional Avenue.
Kasama ni Llamas ang dalawa niyang bodyguard sa pagbili ng mga piniratang pelikula sa gitna ng kampanya ng pamahalaan para maalis sa pandaigdigang “piracy watch list.”
Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na hindi prioridad ng pamahalaan ang ginawa ni Llamas.
Sinabi rin ng Optical Media Board na ang mga bumibili ng piniratang DVD ay “not criminally liable” sa ilalim ng batas.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Nanghingi na ng dispensa kay Pangulong Aquino adviser na humakot ng pirated DVD
Monday, 30 January 2012
Sinabi kahapon ni presidential adviser Ronald Llamas na nag-sorry na siya kay Pangulong Aquino kaugnay sa pagbili niya ng mga piniratang DVD sa isang...
Monday, 30 January 2012
Sinabi kahapon ni presidential adviser Ronald Llamas na nag-sorry na siya kay Pangulong Aquino kaugnay sa pagbili niya ng mga piniratang DVD sa isang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






