Dahil inaasahang muling tataas ang presyo ng petrolyo, inutos ni Pangulong Aquino kahapon ang pagpapatupad sa dalawang hakbang na naglalayong makatulong sa mga tsuper at opereytor sa sektor ng transportasyon.
Simula kahapon, inatasan ng Pangulo ang Department of Energy (DOE) na muling magbigay ng P1,200 subsidiya sa 100,000 drayber ng jipni at tricycle na nakatala sa ilalim ng programang Pantawid Pasada.
Sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na naglatag din ang pamahalaan ng isang kasunduan kung saan mas murang presyo ng mga gulong, baterya at ilang piyesa ng sasakyan ang makukuha ng mga kasapi ng transport cooperative mula sa mga manufacturer.
“The government continues to focus its programs on the most affected sectors of society, in this case, the drivers and other members of the transport sector,” ani Lacierda sa isang press briefing.
Ani Lacierda, nagmamahal ang petrolyo dahil sa lumalaking pangangailangan sa Europa, na dumaranas ngayon ng napakalamig na panahon, at dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Iran at ibang mga bansa.
Ayon sa DOE, muling magmamahal ang petrolyo ngayong linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sa press briefing niya, sinabi ni Lacierda na hindi tiyak kung magkakaroon ng karagdagang pagtulong sa sektor ng transportasyon habang tinutukoy na nakatuon ang mga hakbang “on the areas where the transport sector is most affected.”
“So hopefully, this will go a long way in assisting and lowering the cost of the spare tires, batteries and all the parts related to transport,” aniya.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
‘Pantawid’ pangsagip ; P1,200 tulong sa mga jipni, traysikel drayber muling ibubuhos
Tuesday, 21 February 2012
Dahil inaasahang muling tataas ang presyo ng petrolyo, inutos ni Pangulong Aquino kahapon ang pagpapatupad sa dalawang hakbang na naglalayong...
Tuesday, 21 February 2012
Dahil inaasahang muling tataas ang presyo ng petrolyo, inutos ni Pangulong Aquino kahapon ang pagpapatupad sa dalawang hakbang na naglalayong...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






