Thursday
May 24th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News & Events Current News Misteryo ng signature card

Misteryo ng signature card

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
Nabaling sa ilang tauhan ng Anti-Money Laundering Council (Amlac) ang pagdududa kaugnay sa pagpapalabas ng mga kopya ng mga signature card ni Chief Justice Renato Corona mula sa PS Bank sa Quezon City.

Lumitaw ang duda sa ika-20 araw ng paglilitis kay Corona sa hukumang impeachment sa Senado.

Pinuna ni Senate President Juan Ponce Enrile na maliban sa mga otorisadong opisyal ng bangko ay tanging mga kinatawan ng Amlac at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ibang nakabusisi sa signature cards ng Punong Mahistrado.

Sinabi ni PS Bank president Pascual Garcia na humingi pa ng mga kopya ng mga signature card ang Amlac sa gitna ng isang audit, o pagsusuri, noong Setyembre hanggang Nobyembre 2010.

Ani Garcia, habang regular na sinusuri ng BSP ang bangko “for loans and other processes,” tanging ang Amlac ang humiling ng kopya ng signature card ni Corona.

Sa kabila nito, sinabi ng pangulo ng PS Bank na nanatiling “in control” ang bangko sa mga papeles ng opisyal habang sinusuri ito ng Amlac.

Isang kopya ng signature card ang naging batayan ng mga taga-usig upang hilingin sa hukumang impeachment ang pagbusisi sa mga deposito ni Corona sa PS Bank.

Nang ihambing, sinabi ni Garcia na may “significant differences” sa hinain ng mga taga-usig at sa orihinal na mga dokumento. Aniya, may 42 “points of difference” sa mga ito.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Misteryo ng signature card
Tuesday, 21 February 2012
Nabaling sa ilang tauhan ng Anti-Money Laundering Council (Amlac) ang pagdududa kaugnay sa pagpapalabas ng mga kopya ng mga signature card ni Chief...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock