You know?! Padami na ng padami mga titulong iginagawad kay Pacquiao
TATLONG bagong titulo pa ang ginawad kahapon kay Manny Pacquio, na pinagkaguluhan kahapon sa kanyang motocade sa Kamaynilaan.
Tinalaga ni Pangulong Macapagal-Arroyo si Pacquiao bilang “sugo ng kapayapaan at pagkakaunawaan,” kinilala naman siya ni Justice Secretary Raul Gonzalez bilang “special assistant to the secretary of justice on intelligence matters” at tinawag siyang “our Pambansang Hinlalaki” ni Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino.
Ayon kay Palatino, pinahihiwatig ng hinlalaki ang mahalagang papel na maaaring magampanan ni Pacquiao sa paghikayat sa mga bagong botante ng bansa na magpatala—na kinakatawan ng thumbprint—para sa halalan ng Mayo 2010.
Nanawagan si Palatino kay Pacquiao na himuking magpatala ang mga kabataan, sapagkat 10 porsyento lang ng 1.9 milyong bagong botante (katutuntong lang ng 18 taong gulang) ang nakapagpapatala. “This would prove that Pacquiao is not just our Pambansang Kamao but also our Pambansang Hinlalaki,” ani Palatino sa isang press conference.
Samantala, iba naman ang himig na inaawit ni Laguna Rep. Edgar San Luis sa Kapulungan ng mga Kinatawan.
Hinain niya ang Resolution 1142 na naglalayong bigyan ng honorary Philippine citizenship ang tagapagsanay ni Pacquiao na si Freddie Roach “for his deep understanding of our people … He has easily become a part of the local community.”
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Tuesday, 12 May 2009
You know?! Padami na ng padami mga titulong iginagawad kay Pacquiao TATLONG bagong titulo pa ang ginawad kahapon kay Manny Pacquio, na...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
