TIYAK na maraming basketball fans ang tuwang-tuwa sa balitang darating si Kobe Bryant dito sa Pinas ngayong July 21.
Kahit na isang araw lang siya rito, okay na rin masilayan lang siya.
Tulad din nung last time na bumisita siya rito, mayroon siyang parang basketball clinic na gaganapin ulit sa ULTRA.
Paano nga ba makakauha ng tickets para sa ULTRA?
Libre po yan at walang bayad.
Makukuha yan sa branch ng Nike sa The Fort sa July 18 at ganap na ala-una ng hapon sila mag-uumpisang mamigay.
Ibig sabihin lang niyan, puwede ka nang matulog sa The Fort para mauna ka sa pila.
* * *
Nag-uumpisa na ang mga talk show sa Channel 2 na magpakalat ng mga balitang nanliligaw si Piolo Pascual kay KC Concepcion.
Ibig lang sabihin niya, malapit na nilang ipalabas ang Lovers in Paris na pinagbibidahan nina Piolo at KC.
Pustahan tayo.
* * *
Teaser ng The Buzz nung Linggo—Si G. Toengi sa kanyang pagbabalik, may pasasabugin! Abangan!
Pero natapos at natapos ang interview ni Ruffa Gutierrez kay G Toengi, wala namang kahit anong pasabog na lumabas.
In short, nag-plug lang naman siya ng nalalapit niyang show sa ABS CBN.
Ni kapirasong pasabog, wala.
Sa Showbiz Central naman nung Linggo, ganun din.
Marami raw rebelasyon ni JC de Vera sa pag-upo nya Digital Lie detector test portion ni Sweet.
Pero natapos at natapos ang kung ilang tanong ni Sweet, wala namang kahit anong rebelasyon na lumabas.
As in, luma na ang mga issue.
Nakakaloka!
* * *
Kailangan lang talaga nilang mag-sensationalize ng teasers nila sa show to keep the televiewers stucked to them kahit na mag-commercial pa.
Pero in the end, naloloka lang ang televiewers dahil wala namang kahit anong pasabog as announced by the teasers.
Nalilinlang lang sila.
* * *
Grabe—apat na araw punung-puno ng tao sa Araneta Coliseum.
Nung Biyernes, sa world wrestling.
Nung Sabado at Linggo, sa opening naman ng UAAP.
Kahapon, Game 5 naman ng PBA finals ng Ginebra at San Miguel.
You’ve got to give it to the management of Araneta Coliseum.
Mahirap mag-handle ng ganyang karaming tao sa coliseum.
As in, security pa lang, nakapahirap nang i-manage dahil nga sa libu-libo ang taong pumapasok at halos sabay-sabay.
Tutuo na madalas, strikto ang mga guards ng Araneta pero may dahilan naman sila kung bakit ganun sila kahigpit.
Pinangangalagaan mo nga lang naman ang kapakanan ng libu-libong tao.
Lalo na kapag championship games na grabe ang emotions ng mga taong nanonood.
Pagdating sa pag-handle ng maraming maraming tao, diyan ka sasaludo sa mga tao ng Araneta Coliseum.
* * *
Sa Tayong Dalawa, mababaril na ang karakter ni Ramon na ginagampanan ni Coco Martin.
Kailangan na niya sigurong mawala bago pa niya matabunan sa akting sina Dave at JR.
Mukhang kay Ramon pa iikot ang istorya ng Tayong Dalawa.
Maraming kinakabahan.






