Wednesday
Feb 08th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Freebiz by Nap Ang galing mo Jericho

Ang galing mo Jericho

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

ANG daming napuyat sa panonood ng Jackson memorial.
Biruin mong nag-umpisa ng ala-una nang madaling araw dito sa atin sa Pinas.
Gising na gising ang mga  tagahanga ni Michael Jackson.
Whatever they say about Michael Jackson, the world still loved him and will continue to love him.
His music and his songs will never ever die.


* * *


Sinong may sabing dito lang sa Pilipinas uso ang scalpers?
O kita n’yo nga sa Amerika, pati napanalunang tickets sa memorial ni Michael Jackson, ipinagbili rin.
Sa ebay, $15,000 pa  ang presyo ng tickets.
Nakakaloka.


* * *


Hindi lang sina Jake Cuenca at Gerald Anderson ang pinapansin sa Tayong Dalawa.
Madalas, ninanakawan na rin sila ng eksena ni Coco Martin.
Pati istorya, umiikot na rin sa ginagampanan ni Coco na si Ramon.
Magaling si Coco umarte.
Kahit paano nakilala na rin siya ng Pilipinas dahil sa kanyang role sa teleseryeng ito.
Mula sa paglabas-labas sa indie films, isa nang ganap na teleserye star si Coco.


* * *


Pagkatapos magbukas ng NCAA two Saturdays ago, ang UAAP naman ang magbubukas ngayong Sabado sa Araneta Coliseum.
Excited na naman ang mga estudyante ng walong eskwelang kasali sa UAAP, kabilang na ang host na Far Eastern University.
Hindi na muna maghaharap ang La Salle at Ateneo sa opening day.
Tiyak naman kasing mapupuno ang Araneta kahit hindi sila ang magkalaban.


* * *


Tanong sa SNN noong isang gabi, “Rachel Alejandro  at Jessa Zaragosa, magkaka-ayos na?”
Sabi ng isang televiewer, eh ano naman kung magka-ayos sila? At ano naman kung ’di sila magka-ayos?
Oo nga naman.


* * *


Dumadami ang tv commercials ni Pokwang.
Effective endorser na rin siya.
Bongga si Pokwang!


* * *


Palagay n’yo ba, totoong kumita, as they claim,  ang latest na horror movie na palabas?
Kayo ang bahalang humusga.
Tingnan ang mga sinehan kung saan palabas ang horror movie na ito.


* * *


Successful ang concert ni Jericho Rosales sa Aliw Theatre.
Noong una’y marami ang kinabahan na baka hindi tauhin ang concert na ito.
But to everybody’s surprise, puno ito and Jericho was such a great performer.
Galing mo, Jericho!

 

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Ang galing mo Jericho
Thursday, 09 July 2009
ANG daming napuyat sa panonood ng Jackson memorial. Biruin mong nag-umpisa ng ala-una nang madaling araw dito sa atin sa Pinas. Gising na gising ang...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock