ANG daming napuyat sa panonood ng Jackson memorial.
Biruin mong nag-umpisa ng ala-una nang madaling araw dito sa atin sa Pinas.
Gising na gising ang mga tagahanga ni Michael Jackson.
Whatever they say about Michael Jackson, the world still loved him and will continue to love him.
His music and his songs will never ever die.
* * *
Sinong may sabing dito lang sa Pilipinas uso ang scalpers?
O kita n’yo nga sa Amerika, pati napanalunang tickets sa memorial ni Michael Jackson, ipinagbili rin.
Sa ebay, $15,000 pa ang presyo ng tickets.
Nakakaloka.
* * *
Hindi lang sina Jake Cuenca at Gerald Anderson ang pinapansin sa Tayong Dalawa.
Madalas, ninanakawan na rin sila ng eksena ni Coco Martin.
Pati istorya, umiikot na rin sa ginagampanan ni Coco na si Ramon.
Magaling si Coco umarte.
Kahit paano nakilala na rin siya ng Pilipinas dahil sa kanyang role sa teleseryeng ito.
Mula sa paglabas-labas sa indie films, isa nang ganap na teleserye star si Coco.
* * *
Pagkatapos magbukas ng NCAA two Saturdays ago, ang UAAP naman ang magbubukas ngayong Sabado sa Araneta Coliseum.
Excited na naman ang mga estudyante ng walong eskwelang kasali sa UAAP, kabilang na ang host na Far Eastern University.
Hindi na muna maghaharap ang La Salle at Ateneo sa opening day.
Tiyak naman kasing mapupuno ang Araneta kahit hindi sila ang magkalaban.
* * *
Tanong sa SNN noong isang gabi, “Rachel Alejandro at Jessa Zaragosa, magkaka-ayos na?”
Sabi ng isang televiewer, eh ano naman kung magka-ayos sila? At ano naman kung ’di sila magka-ayos?
Oo nga naman.
* * *
Dumadami ang tv commercials ni Pokwang.
Effective endorser na rin siya.
Bongga si Pokwang!
* * *
Palagay n’yo ba, totoong kumita, as they claim, ang latest na horror movie na palabas?
Kayo ang bahalang humusga.
Tingnan ang mga sinehan kung saan palabas ang horror movie na ito.
* * *
Successful ang concert ni Jericho Rosales sa Aliw Theatre.
Noong una’y marami ang kinabahan na baka hindi tauhin ang concert na ito.
But to everybody’s surprise, puno ito and Jericho was such a great performer.
Galing mo, Jericho!





