Friday
Sep 10th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Freebiz by Nap

Freebiz by Nap

Wala naman confession at revelation

IT was an emotional Kris Aquino who spoke for her family patungkol kay Tita Cory at sa pasasalamat nila sa milyun-milyong Punoy na nagdarasal para sa recovery ng ating dating Presidente.
Marami ang hanga kay Kris dahil sa gitna ng pinagdaraanan ng kanyang pamilya, nagawa pa rin niyang mag-host ng The Buzz.
Yan daw ang isa sa minana niya sa kanyang mga magulang—ang maging matatag sa gitna ng anupaman.
Kris delivered her lines na walang binabasa.
Everything came from the heart.


* * *


Naging guest sa The Buzz si Angel Locsin nung Linggo.
Guest siya sa portion nilang The Buzz True Confessions.
Maraming sinabi si Angel na true, pero wala naman siyang ginawang confessions.
Wala naman kasing tinanong sa kanya na dapat niyang i-confess.
Nakakaloka.


* * *


May interview din ang The Buzz kay Dra. Vicky Belo.
Ang teaser nila bago nila ipinalabas ang video—marami siyang pasabog.
As in, marami siyang bagong revelations.
Pero nang ipalabas ang  taped interview, wala naman tayong narinig na mga bagong pasabog.
Ang mga narinig natin ay dati na rin nating naririnig pa.
Kakaloka.


* * *


Laging glamorous si Ruffa Gutierrez sa The Buzz.
Lumalabas ang tunay na ganda ni Ruffa sa show na ito.
Laging maganda ang mga  damit niya.
Beauty na beauty queen talaga.


* * *


Nagkita sa Amerika sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.
Eh ano naman kung nagkita sila?
Sabi sa voice over script ng The Buzz sa feature nila patungkol dito, inaabangan ng buong bayan ang pagkikita nina Ruffa at John Lloyd.
Susmaryosep, ano ba yan— “buong bayan”!!!!!!!!!!!
Bakeeeet?


* * *


Dahil sa patuloy na paglakas ng Santino, Only You at Tayong Dalawa, walang duda na ABS CBN na ang namamayagpag sa primetime ratings.
Sa Channel 7, mukhang ang Zorro lang ni Richard Gutierrez ang lumalaban.
Admittedly, kailangan ng GMA na gumawa ng malalakas na primetime shows para mabawi ang no.1 slot sa primetime.


* * *


Ngayong araw na ito kukunan ang love scene nina Sam Milby at Bea Alonzo.
Hindi lang kissing scene ang gagawin nila dito, kundi intimate, passionate love scene.
First time nilang gagawin ito para sa isang pelikula.
Ang sabi sa script, kailangan nilang gawin ang eksena para ipakita sa lahat na in love na in love sila sa isa’t isa.


* * *


Tinanong si Iwa Moto sa Showbiz Central kung nakatanggap na siya ng indecent proposals sa mga DOM o tomboy.
Meron daw, pero wala siyang tinatanggap sa mga ito at wala siyang balak dahil gusto raw niya ng anuman ang meron siya ay pinaghirapan niya.
Palakpakan natin siya.
Kaya lang may inihabol pa siya.


* * *


Sa darating na Metro Manila fil festival, grabe ang magkakalabang artista.
May Dolphy-Willie, may Sharon, may Shake, Rattle & Roll 11, may Vic Sotto, may Bong Revilla, may Marian Rivera, may Manny Pacquiao na kasama pa si Nicole.
Grabe ka-star-studded.
Tiyak, malilito ang mga tao kung alin ang panonoorin.
Pero from the list, hindi natin alam kung alin ang magna-number one, pero alam na natin kung alin ang mangungulelat diyan.

 

 
Page 3 of 21



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock