Tuesday
Sep 07th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Freebiz by Nap

Freebiz by Nap

Hindi lahat ng 13 ay malas

GANDA lang nitong text na nakuha ko na gusto ko lang i-share sa inyo.
“Hindi ka manlalamig sa taong mahal mo, kung... hindi ka nag-iinit sa iba.”
Oo nga naman.
* * *
Joke sa isang radio program kahapon.
Hindi lahat ng 13 ay malas kasi suwerte ang 13th month pay.
Hindi lahat ng hinog ay masarap, dahil kadiri ang hinog na pigsa.
Hindi lahat ng party ay masaya kasi nga buwisit ang third party sa pag-ibig.
Oo nga naman.
* * *
Kahapon din sa isang FM radio station, narinig ko ’to.
“The one you love that gives you pain is the only one who can take away that pain...”
Ganda noh?
* * *
Nabuhay si Michael Jackson na punong puno ng kontrobersya ang buhay.
Sikat nga siya pero grabe naman ang gulo ng buhay niya.
Nung mamatay siya, ma-intriga pa rin.
Hindi pa malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay niya.
* * *
Ang pinakamahirap daw gawin sa buhay ng isang tao eh yung mapasikat mo ang sarili mo sa buong mundo.
Yung sumikat ka lang nga sa bansa mo eh mahirap na, eh yung sa buong mundo pa.
Si Michael Jackson, sikat na sikat sa buong mundo.
Yung album niya, milyun-milyon ang sales.
Hindi lang gold, hindi lang platinum.
Sabi ng isang kaibigan namin, at 50, okay na yun.
He already lived a full life,
* * *
Sold out na agad ang mga concert niya na naka-schedule sa London.
Kaya lang, soli ticket na.
Kawawa naman yung producer.
Dito naman sa atin, na-cancel na rin concert ni Akon.
Sa October 23 na daw gagawin.
Ewan ko kung puwede pa isoli tickets.
Nanghihinayang tuloy yung mga nakabili na.
* * *
Na-tsismis na patay na daw si Hayden Kho.
Nag-suicide na naman daw.
False alarm lang pala.
* * *
Grabe Transformers.
Sa ibang mall, puro ito na lang ang palabas sa lahat ng sinehan nila pero pila pa rin.
Grabe kinita ng distributor nito.
* * *
Isang college player mula sa isang sikat na liga ang nag-positive sa A(H1N1) virus.
Pinauwi na muna siya sa probinsya niya sa North.
* * *
Dapat daw bantayan ng mga magulang ang mga anak nila kapag nagse-surf sa Internet.
Eh paano naman makakabantay ang mga magulang eh mas madalas na nasa trabaho sila.
Kaya ang mga bata, kahit na Grade 1 pa lang, malayang nakaka-surf kahit sa mga site na me triple x.

 

 
Page 4 of 21



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock