Friday
Sep 10th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Freebiz by Nap

Freebiz by Nap

Ratings ni Pacman

ABA’Y 47% lang ang nakuhang ratings ng GMA 7 sa laban ni Manny Pacquiao noong Linggo.
Ibig sabihin, hindi lahat ng tao nanonood kay Pacman.
Mataas man ’yan, hindi pa rin 100%.
May ninakaw pa ring audience ang pelikula na palabas sa ABS CBN kasabay ng coverage, pati na rin ’yong replay ng ASAP.
At saka marami na rin kasi ang nakapanood sa mga sinehan at resto bar nang live.


* * *
Grabe ang mahal ng tiket sa laban ni Pacman sa venue, ang MGM sa Las Vegas.
Mahal din ang ticket papuntang Las Vegas.
Tapos, anim na minuto lang tumagal ’yong laban.
Sayang ’yong pera.
Hirap pa naman kitain ng pera ngayon.


* * *


Tiyak na ang daming nawalang pera sa GMA 7.
Kung umabot sana ng 12 rounds ’yong laban, tiba-tiba ang kita ng GMA at Solar Sports.
Pero dahil dalawang rounds lang, tiyak ’yan na lagpas 100 commercials ang hindi nai-ere ng GMA.
Sayang.


* * *


Sinong susunod na kalaban ni Pacman?
Sa puntong ito, walang maglalakas-loob lumaban sa kanya.
Ayaw mapahiya sa buong mundo.


* * *


Sa pag-uwi ni Pacman, tiyak na maraming politiko ang papapel.
Pagmasdan ninyo sila.
Tandaan ang pangalan.
At huwag iboto next year.


* * *


Si Aling Dionesia, ang dami na namang pera.
Dapat ingatan ’yan ni Manny Pacman.
Baka ma-kidnap.
Hahahahahahaha...


* * *


Tiyak, unlimited shopping na naman si Aling Dionesia.
Eh ano naman, ’di na nga niya kayang bilangin ang pera niya.
Napakasuwerteng lola...

 

 
Page 9 of 21



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock