GRABE ang merchandising at plugs at promo ng ABS CBN para sa bago nilng teleserye, ang Only You.
Minu-minuto, me plugs.
At sa lahat ng lang ng shows ng Channel 2, andun sila Diether, Angel, at Sam para mag-promote.
Halos pare-pareho na nga ang sinasabi nila.
Kapag hindi pa naman nag-rate ang Only You, ewan ko na lang....
HHHHH
Ingat-ingat sa pagte-text.
Siguraduhing tama ang pagkaka-type sa tine-text nyo.
Nag-away ang isang mag-asawa dahil lang sa maling spelling sa text.
Nag-text kasi si mister sa kanyang misis ng “Ingat ka lagi...”
Nagulat si mister dahil nagalit sa kanya si misis.
Yun pala, ang nai-send ni mister, “Ingay ka lagi..."
Nakakaloka...
HHHHH
Maraming readers ang nag-email sa amin at agree silang lahat na tama, dapat daw alisin na sa ere ang commercial kung saan ipinapakita ang isang boss na binato ang delivery sa ulo ng isang empleyado niya na nahuli niyang natutulog sa opisina.
Hindi naman daw ganyan ang ugali ng mga superior nating mga Pinoy.
Oo nga....
Ewan ko nga bakit nakalusot yang tv commercial na yan sa Adboard...
HHHHH
Isa pang off na commercial eh yung mag barkadang kumakain.
Sa kabilang mesa, may isang matandang nag-aalmusal din, at nagbabasa ng diyaryo.
Sa last frame ng naturang commercial, ipinakitang nakisawsaw ng kinakain niya yung isa sa mag-barkada sa kape nung matanda sa kabilang mesa.
Gawain ba yan ng mga Pinoy?
HHHHH
Isa sa pinakamagandang portion sa Umagang kay Ganda ng Channel 2 ay ang Punto por Punto ni Anthony Taberna.
Madalas, ang gaganda ng guests ni Anthony at lagi pang napapanahon ang topic.
Pero kapuna-puna, madalas ay nagmamadali rin si Anthony dahil sa kawalan ng oras kasi, apparently, kaunting oras lang ang nakalaan para rito..
Dapat lang ma-realize ng mga taga-Kay Gandang Umaga na sinusubaybayan at tintutukan ng televiewers ang portion na ito.
Kapag maganda at napapanahon ang guests, dapat lang nilang hayaang humaba ang portion na ito ni Anthony kesehodang maubos ang oras nila.
Kaysa naman sa ilang walang kwenta nilang segments na halata namang commercial na commercial at sponsored ng mga bayad na produkto.
HHHHH
Sold out na ang tickets sa venue ng laban nina Hatton at Pacman.
Ganyan kasikat ang laban na yan.
Ilang milyong piso kayang halaga ng tickets ang binili ni Pacman para sa mga kaibigan niya?
HHHHH
Ang world champion na si Nonito Donaire, umiyak sa interview niya sa Showbiz Central nung Linggo.
Hala, umpisa na yan ng kanyang showbiz career.
Hahahahaha...





