Wednesday
Jul 30th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Showbuzz Nation Beterano sa showbiz umiwas sa away artista

Beterano sa showbiz umiwas sa away artista

(2 votes, average: 3.00 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
Inimbitahan ni Controversial Celebrity si Veteran Personality na sumama sa isang bagong proyekto. Matagal na silang nagkakasama sa industriya ngunit tinanggihan ni VP ang alok. May away kasi si CC sa isang taong malapit kay VP, si Senior Artist. Ayaw ni VP madamay sa gulo.
Dapat nga hindi na siya inalok ni in CC in the first place. At hindi ito ang unang pagkakataon na sinaktan ni VP ang puso ni CC.
Kaibigan o kaaway?
Gusto nang umalis ni Pretty Starlet sa kanyang latest show. Nahihirapan si PS makisama kay Big Star. Hindi kasi magkasundo si PS at BS, at mukhang hindi matatapos ang hindi magandang namamagitan sa kanila sa lalong madaling panahon.
Reklamo ni PS na maayos naman siyang pinakikitunguhan ni BS pero kuminsan naman hindi siya talaga pinapansin nito at all! Napapaisip tuloy siya: Kaibigan ba si BS o kaaway? O baka bipolar?
Operado
May bagong something sa mukha ni Handsome Hunk.
Mukhang lumiit at tumangos konti ang kanyang ilong. Sumailalim ba siya sa plastic surgery sa paguudyok ng kanyang Lovely Sweetheart?
Nagpaayos din ng ilong si LS. Makikita ang kaibahan kung ikukumpara ang kanyang face sa mga luma niyang litrato. Ngayon, magka-match na ang mga ilong ni HH at LS!
Bayad lang
Hindi na mamatay-matay ang usap-usapan na kakaiba talagang malasing si Scandalous Personality.
Hindi lang masama ang lumalabas sa kanyang bunganga; sinasaktan pa ni SP ang kanyang mga alalay tuwing nakainom siya.
Eh bakit walang nagrereklamo sa pulis? Kasi naman, tinatapalan ng pera ni SP ang kanyang mga biktima para manahimik! Ilang empleyado niya ang nasanay nang mabugbog kapalit ang bayad.
Kambal tuko
Sino ang couple na ito na tila saktong sakto sa kantang pinasikat ni Natalie Cole na pinamagatang Inseperable?
Bagamat hindi pa kinukumpirma o ikinakaila nina Seasoned Charmer at Young Colleague ang kanilang relasyon, ilang beses na rin silang nakitang magkasama.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Beterano sa showbiz umiwas sa away artista
Wednesday, 18 April 2012
Inimbitahan ni Controversial Celebrity si Veteran Personality na sumama sa isang bagong proyekto. Matagal na silang nagkakasama sa industriya ngunit...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock