Thursday
May 24th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size

Paa no muna

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon
Happy Feet Two
Directed by George Miller
Parang kailan lang nung sinayaw si Mumble (Elijah Wood) ang sarili niya sa mga puso natin noong 2006 sa unang Happy Feet. Ngayon ang anak naman niyang si Erik (boses ni Ava Acres) ang nagpapakyut sa atin. Tama na, OK na tayo doon sa una.
Balik-Emperor Land sa Antarctica ang Happy Feet Two kung saan unti-unti nang natutunaw ang yelo. Mukhang hindi nagmana si baby Erik sa moves ng tatay niyang si Mumble. Pero hindi rin makatulong si Mumble sa problema ng bata, dahil hirap siyang ipaliwanag kung paano siya lumaking ganun din ang problema noong kabataan niya. Father-son issues, na madalas sa mga pelikulang mulang Hollywood.
Isang malaking glacier ang maglalagay sa panganib sa mga penguin ng Emperor Land, at kakailanganin ang tulong ng lahat para mailigtas sila. Siyempre, sa tulong ng pagsasayaw ni Mumble.
Mahusay pa rin ang animation tulad ng naunang Happy Feet, pero di tulad noon, hindi na kasing-ganda ng una ang mga songs dito. Hindi ko masakyan ang Papa Oom Mow Mow kung bakit at paano ito naisama sa sound track at kung ano ang relevance ng kwento nina Will (Brad Pitt) at Bill (Matt Damon) ang mga krill (alamang) na gustong mahiwalay sa iba nilang kauri. Natawa ako sa ilang sitwasyon sa pelikula, pero yung isa doon ay dahil sa kalokohan (silliness) at hindi sa katatawanan (comedy). Ang luma ng songs (talaga lang, Wake Me Up Before You Go Go?) at hindi catchy ang bagong kanta ni Gloria (boses ni Pink, na pumalit sa namayapang si Brittany Murphy). Hindi ko rin nasakyan ang paglalagay ng operatic aria kay Eric. HAPPY nga dapat ang pelikula di ba?
Gusto ko sanang bigyan ito ng kaunting papuri sa pahapyaw na pagpapakita ng nangyayari sa kalikasan dulot ng global warming, pero dahil bahagya lang ito, hindi ito ang mensahe ng pelikula. Mukhang ekonomiya ang tinutukoy ng Happy Feet Two, sa sitwasyon kung saan ang isang bansa ay nangangailangan ng tulong ng ibang bansa para sa kaligtasan nito, tulad ng nangyayari sa Europe ngayon. Palakpak ang palikpik ko diyan.
Siguro masisiyahan ang mga chikiting dito, lalu na sa 3D bubbles sa ending na pawang gimik lang. Pasensiya na lang ang matatandang tulad ko, na magbabayad nang mahal sa isang pelikulang hindi nakaangat sa tayog ng unang Happy Feet; kaya pwede naman itong kaligtaan.
I'm not tapping my feet for this one. While I enjoyed the first edition of Antarctic Idol, this edition is stuck frozen in cold, joyless ice.
Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Paa no muna
Tuesday, 22 November 2011
Happy Feet Two Directed by George Miller Parang kailan lang nung sinayaw si Mumble (Elijah Wood) ang sarili niya sa mga puso natin noong...

Share/Save/Bookmark
 



Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock