BAKIT nga ba walang tigil sa pag-remake ng mga pelikulang matagal nang naipalabas, mapa-sa pelikula man o sa tv.
Maraming sikat na movie noon ang ginawa nang serye sa telebisyon.
Naging topic ’yan sa isang radio program sa FM station.
Ang tanong ng marami nilang texters—wala na bang maisip ang writers na bagong istorya at puro remake at revival na lang ang alam nila?
Para sa akin, ’di bale nang mga magagandang kanta ang i-revive nila.
Pero ’yang mga magagandang movies, bayaan na lang na natin na maging classic ang mga ’yan.
Isip naman tayo ng bago.
* * *
Wala nga bang pera ang mga Pinoy?
Pero maghanap ka ng pagkamahal mahal na cell phone na iPhone, halos wala kang mabili dahil laging sold out.
Mapa-8 gig man o 16 gig.
Ayon sa mga cell phone dealers, malakas ang demand kaya laging sold out.
’Pag naglabas ng bagong laptop ang Apple, mapa puti man o itim o anumang kulay, pipila ka sa dami ng gustong makabili.
Wala ngang pera ang mga Pinoy.
* * *
Milyun-milyong pera na raw ang lumabas sa mga presidentiables na nagpapa-pansin na ngayon pa lang through their infomeercials.
Bayaan n’yo na.
Mabuti nga at lumalabas ’yong mga pera nila.
Marami rin ang makikinabang d’yan.
* * *
Walang pasok sa San Beda College. Nasuspindi na rin ang klase sa Mapua.
Kababalik pa lang ng klase sa College of St. Benilde matapos ang suspension din ng klase do’n.
Lahat dahil sa AH1N1 virus.
Ang tatlong eskuwelahan na ’yan ay kasali sa NCAA.
* * *
May A(H1N1) virus scare man o wala, tuloy pa rin ang pagbubukas ng NCAA sa Sabado, June 27.
Sa lahat ng eskuwela, ubos na ang tickets, as in sold-out.
Wala ka nang mabibiling ticket sa patron man o sa lower box.
* * *
Na-out ang Talk n Text sa ongoing conference ng PBA.
Pero na-out man, tumungo naman sila ng Las Vegas para mag-training ulit para sa susunod na conference.
Bongga!
* * *
Ang paboritong aktor ng dalawang anak ni Ruffa Gutierrez ay si John Lloyd Cruz.
Saulong-saulo nila ang pangalang John Lloyd Cruz.
Parang kilalang kilala na nila si John Lloyd.
At kapag binabanggit nila ang pangalang John Lloyd Cruz, may ningning sa kanilang mga mata.
Parang may alam na sila.
Parang lang.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 25 June 2009
BAKIT nga ba walang tigil sa pag-remake ng mga pelikulang matagal nang naipalabas, mapa-sa pelikula man o sa tv. Maraming sikat na movie noon ang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
